Police riders vs tandem criminals
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Matapos sabihin ni Pangulong Digong na kailangang mawalis na ang riding-in-tandem criminals, eh mas lalo pa ngayong pinalakas ng PNP, partikular  na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang Tactical Motorcycle Riding Units (TMRU).

Sa katunayan nito, nasa 700 police riders ang ikinalat sa buong Metro Manila para siyang sumubaybay at humabol sa mga tandem criminals.

Nais ni Pangulong Digong na sa natitira niyang dalawang taon ng panunungkulan eh mawalis sa lansangan ang matagal nang nagpapahirap na riding-in-tandem criminals.

Hindi nga ba’t minsan nang tumaas ang kaso ng krimen na gawa ng mga tandem na ito?

Ngayon kahit may pandemya, eh patuloy pa rin sa kanilang operasyon.

Hindi lang mga petty crime ang naitatala na gawa ng mga ito, ilang pagpatay o pagpaslang na naganap sa lansangan ay gawa ng tandem.

Naging paboritong sasakyan ng mga kawatan ang motorsiklo dahil nga sa bukod sa madaling makatakas at makalusot sa malilit na eskinita, mabilis pa rin silang nakakalayo sa crime scene.

Minsan ng nalagay sa alanganin ang kapulisan dahil sa mga pag-atake ng mga ito, kaya naipatupad noon sa mga chief of police at station commanders ang ‘one strike policy’.

Ang siste pa nito, na maging si Pangulong Digong eh napansin, madalas na malalakas pa ang gamit na motorsiklo ng mga kriminal at sanay na sanay na rin sa pagpapatakbo.

Kaya naman ang nais ng Pangulo eh matapatan ang gamit ng mga itong motorsiklo at masanay ang mga pulis para mabilis ang kanilang pagtugis.

Binuhay na rin ang   PNP Marshalls Operatives in Motorcycles upang masawata ang mga kriminalidad na kagagawan ng riding in tandem.

Magpapatrulya  sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila ang mga police rider na ang nais nga sana ay hindi unipormado para hidio pansinin ng mga kriminal na nagbabalak na sumalakay.

Bago nga tuluyang isabak nagsagawa na rin ng workshop ang TMRU operatives para sa epektibong pagtugon  laban sa tandem criminals.

Bukod pa rito ang mga itinatatag na checkpoint sa mga istratihekong lugar para bulagain ang mga tandem criminal.

Layunin ng lahat ng ito ay mapanatiling ligtas ang mga lansangan at maprotektahan ang ating mga mamamayan lalo na nga’t nalalapit na ang holiday season , gayundin ang pagdami na nang naglalabasan nating kababayan.

RIDING-IN-TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with