Ang driver at ang masipag na mister
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

PALASAK na ang kuwentong ito: Binigyan ng tig-isang milyong piso ang isang Pinoy at isang Intsik. Ang Pinoy ay agad bumili ng bagong kotse dahil nahihirapan na siya sa pakikipaghabulan sa bus at jeep tuwing papasok sa trabaho. Samantalang ang Intsik ay ginamit ang pera sa negosyo at patuloy na nagtiyaga sa pagsakay sa jeep at bus. Katwiran ng Intsik, mas mahalagang palaguin muna ang kanyang isang milyong piso kaysa unahin ang luho ng katawan.

May isang ama ng tahanan na maagang iginupo ng malalang sakit ang kanyang katawan dahil sa sobrang kasipagan sa pagtatrabaho. Napilitan itong magretiro nang maaga. Kasunod nito ay  nakatanggap siya ng apat na milyong piso sa kompanyang pinaglingkuran niya ng mahigit na 20 taon. Pagkahawak ng pera ay agad itong ibinili ni Misis ng mas magandang kotse kaysa dati nilang ginagamit at  appliances. Pagkatapos ay isinunod naman ang pagpapa-renovate ng bahay.

Dumating ang sandaling kinailangan  ng ama ng tahanan na magpa-dialysis every week. Ang kaso, naubos na ang perang natanggap kaya sa halip na once a week ay naging paminsan-minsan na lang ang pagpapa-dialysis.  Hindi regular na nalapatan ng lunas ang katawang may sakit, kaya agad na namatay ang kawawang ama. Kung inuna muna ang pagpapagamot kaysa luho ng katawan, may pag-asa pa sanang madugtungan kahit paano ang buhay ng maysakit. 

Nag-asawang muli si Misis.  Ang napangasawa niya ay ang personal driver na guwapo ng kanyang namayapang mister. Ang nakikinabang ngayon nang todo sa magandang kotse at bahay mula sa pinaghirapan ng orig na Mister ay ang brand new poging jowa. Ito ngayon ang masayang nagmamaneho ng magarang sasakyan at maligayang nakatira sa magandang tahanan. Napabayaan ni Mister ang kanyang kalusugan dahil sa kakatrabaho. Hinangad kasi niya na makabili ng mas magandang sasakyan at mapaganda ang kanyang tahanan, na sa bandang huli, ang driver pala niya ang makikinabang. Nagpakahirap siya para sa kanyang driver.

DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with