^

Punto Mo

Buwaya, tinangay ng baha sa loob ng bahay at nilaro ng 3-anyos na batang lalaki

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MADALAS bumaha sa Brazil. Pinapasok ng baha ang mga bahay na nasa mababang lugar o ang mga malapit sa ilog. Kadalasang mga basura ang kasama ng baha.

Pero kakaiba nang bumaha sa Parauapebas, Brazil sapagkat sa halip na basura, isang buwaya ang tinangay sa loob ng bahay at humantong sa salas!

Halos himatayin ang ginang na hindi nagpabanggit ng pangalan nang makita ang ulo ng buwaya sa hanggang tuhod na tubig sa salas.

Akala niya, namamalikmata lamang siya nang mapansin na mayroong nilalaro ang kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki habang nakaupo ito sa sopa.

Maraming tubig sa salas kaya ang akala ng ginang ay kung anong bagay lamang ang nilalaro ng kanyang anak na lalaki.

Subalit nang kanyang pagmasdang mabuti ang nilalaro ng anak, gusto niyang himatayin sa takot.

Ang nilalaro pala ng kanyang anak ay buwaya!

Buo ang loob na nilapitan ng ginang ang anak at binuhat saka inilayo sa buwaya. Tumawag agad siya ng bumbero.

Nang dumating ang mga bumbero, agad nilang hinuli ang buwaya. Nang sukatin ay may haba itong 1.5 meter.

Nakahinga nang maluwag ang ginang makaraang mahuli ang buwaya.

Sabi ng kapitan ng mga bumbero, mabuti na lamang at hindi gutom ang buway ng mga oras na nilalaro ito ng bata, kung hindi maaaring nilapa ito.

Dinala ang buwaya sa environment office.

vuukle comment

CROCODILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with