EDITORYAL - Iligtas sa tigdas at polio ang mga bata
EDITORYAL - Iligtas sa tigdas at polio ang mga bata
(Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na kung hindi mababakunahan ngayong 2020 laban sa tigdas ang mga bata, posibleng magkaroon ng outbreak sa susunod na taon. Ayon sa DOH, target nilang mabakunahan ang apat na mil­yong bata mula Oktubre 26 hanggang Nob­yembre 25. Gagawin nila ito sa kabila na nakaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19. Sisikapin umano ng DOH na lahat nang bata na siyam na buwan ang gulang hanggang 59 na buwan o bago mag-limang taong gulang ay kailangang bakunahan laban sa tigdas. Hinihikayat ng DOH ang mga magulang na dalhin sa health centers ang kanilang mga anak para mabakunahan sa tigdas. Bukas­ ang health centers mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Sinabi ni Dr. Wilda Silva, National Immunization Program Manager ng DOH na kasama sa aktibidad ang mga batang nabakunahan man o hindi pa. “Hindi na tayo magte-take ng risk, naba­kunahan ka ba o hindi, hindi sigurado si nanay. Hindi po masama na maulit dahil ang karagdagang dose na ito ay karagdagang proteksiyon.”

Ang tigdas ay isang respiratory virus na naku­kuha sa paglanghap ng viral particles.

Ayon pa sa DOH isasabay na rin ang pagbabakuna laban sa polio.

Mapanganib ang polio kaya nananawagan sila sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang, nabakunahan man ito o hindi pa. Ang poliovirus ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage. Noong nakaraang taon nagkaroon ng polio outbreak sa bansa.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumu­dumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa mama­mayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus. Panatilihin ang proper sanitation.

Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Walang gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with