^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat din ang publiko sa dengue

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat din ang publiko sa dengue

NAKATUTOK ang pamahalaan sa COVID-19 at tila hindi naman gaanong nabibigyan ng aten­siyon ang iba pang sakit gaya ng dengue na luma­laganap kapag panahon ng tag-ulan. Kung maba­ngis ang COVID, mabangis din ang dengue na hatid ng lamok na Aedes Aegypti.

Sunud-sunod ang pagtama ng bagyo sa bansa na nagdudulot ng mga pagbaha. Sa kasalukuyan, isang bagyo (Quinta) ang nananalasa sa Bicol at Southern Tagalog Region. Tiyak na magdudulot ng mga pagbaha.

Paghupa ng bagyo, mananatili ang baha ng ilang araw at dito magsisimula nang mangitlog ang mga lamok. Lahat nang mga lugar na may tubig ay pangi­ngitlugan ng mga lamok. Paboritong pangitlugan ng mga lamok ang mga botelyang walang laman, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman, palanggana at timba at maski sa mga tansan. Lahat nang mga bagay na may nakaistak na tubig ay puwedeng pangitlugan ng mga lamok.

Mabilis dumami ang mga lamok na may dengue. Sa isang iglap, lilipad na ang mga ito at maghahasik ng lagim sa mamamayan. Karaniwang nabibiktima ng mga lamok ay mga bata. Ilang taon na ang naka­raraan, maraming bata ang nagka-dengue at may mga namatay. May bakuna laban sa dengue --- ang Dengvaxia subalit sa kasamaang palad, nagkaroon nang malubhang kontrobersiya kaya hindi na ito itinuloy sa bansa.

Ang mga sintomas ng dengue ay ang pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, maliliit at mapupulang pantal, pagtatae, pagsusuka at pagdurugo ng ilong.

Pinakamabisang paraan para makaiwas sa dengue ay ang paglilinis ng kapaligiran. Sirain ang mga pinaglulunggaan ng mga lamok. Alisin ang mga nakasampay na damit sa madilim na bahagi ng bahay. Itapon ang mga botelyang walang laman.

Gumamit ng kulambo para maproteksiyunan ang sarili. Pagsuutin nang mahabang manggas na damit o kaya’y pajama ang mga bata para makaiwas sa kagat ng lamok. Gumamit ng insect repelant.

Kung nakatuon ang DOH sa COVID, dapat ganito­ rin ang gawin sa dengue. Magtatag ng dengue centers sa mga ospital para mabilis ang pag-aksiyon kapag may dengue outbreak. Matuto na sana sa gani­tong sitwasyon.

 

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with