^

Punto Mo

Artemis: Pagbabalik sa Buwan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TILA matutuloy na ang pagbalik ng tao sa Buwan batay sa isang kasunduang tinatawag na Artemis Accord at nilagdaan kamakailan  ng walong bansang kinabibilangnan  ng United States, Australia, Britain, Canada, Japan, Italy, Luxembourg at United  Arab Emirates.

Isa itong proyekto ng National Aeronautics and Space Administration ng Amerika na naglalayong magpadalang muli ng astronaut sa Buwan sa taong 2024. Inaasahan ng NASA na sasali rito ang iba pang mga bansa. Hindi pa sumasama ang Russia na atubili pa sa proyekto habang ang China ay malabo dahil bawal makipag-usap dito ang NASA dahil sa usaping pangseguridad.

Wala pa akong nababalitaan kung sasama sa Artemis Accord ang Pilipinas na  bagito pa lang ang sarili nitong space agency pero maaaring asahang susuporta rin ito sa anumang mga pandaigdigang programa sa kalawakan.

Naiiba ang Artemis dahil magiging pangmatagalan na ang pananatili sa Buwan ng mga astronaut na pupunta roon. Hindi tulad noong dekada ’60 at ’70 na ilang araw lang silang tumatagal doon. Sa pagkakataon ding ito ay magpapadala na rin doon ng babae. 

Ayon sa isang opisyal ng NASA, isa itong paraan nang pagpapakilos at pagpapatupad  sa Outer Space Treaty na pinagkasunduan ng mga bansa sa buong mundo noong taong 1967 kaugnay ng space exploration. Isa sa kasunduang ito ang isinasaad na walang bansang puwedeng magmay-ari sa alin mang planeta o mga bagay sa kalawakan. Aplikable rin ang kasunduan sa iba pang mga destinasyon tulad sa planetang Mars at sa mga comet at asteroid.

Isinasaad sa mga prinsipyong nakapaloob sa Artemis Accord  na  lahat ng mga aktibidad ay isasagawa para sa mapayapang layunin alinsunod sa 1967 Outer Space Treaty, dapat ipinapakita ng mga kasamang bansa ang kanilang mga ginagawa para maiwasan ang kalituhan at tunggalian. Tutulong ang mga kasaping bansa sa mga tauhan na nasa kagipitan, pagrerehistro sa mga makukuhang space object,  pagsasapubliko ng mga siyentipikong impormasyon,  at ipepreserba ang mga lugar at artifact sa buwan na merong historial value.

Matagal nang pinaplano at pinaghahandaan ng NASA at ng ibang mga space agency ng ibang mga bansa ang pagtatayo ng base o kolonya ng tao sa Buwan. Isa rin itong magiging daan sa paglulunsad ng mga  misyon sa planetang Mars.

Sana nga lang ay manatiling magkasundo ang mga bansang kalahok sa Artemis at  ang mga taong makakatira sa Buwan ano man ang kanilang lahi, kulay, relihiyon at kultura.  Nakalulungkot kung ang mga hidwaan, awayan at tunggalian  sa Daigdig ay makakarating din sa Buwan.

Parang masikip na masyado sa ating planeta kaya kailangan na marahil ng sangkatauhan na magkaroon ng iba pang tirahan sa kalawakan. Kaabang-abang din kung ano ang mapapakinabangan ng Daigdig sakaling magkaroon na ng kolonya ng tao sa Buwan.

 

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with