Hindi ako susuko (18)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

TINIMPLANG mabuti ni Reagan ang sabaw ng pinakuluang kapeng bigas. Pinalamig muna niya ito nang husto para magandang ihagod ang brush.

Nang malamig na malamig na ay sinimulan na niya ang pagguhit. Balewala na sa kanya ang pag-portrait at kabisado na niya ang bagsak ng kanyang brush. Kailangan lamang ay maging mabilis siya sa pagpapahid sapagkat mabilis matuyo ang sabaw ng kapeng bigas. Wala ringh ipinagkaiba sa water color na dati niyang ginagamit. Dapat sure ang bagsak ng brush. Mahirap maretoke ang drowing dahil mabilis matuyo ang sabaw ng kapeng bigas.

Hanggang sa magkaroon na ng anyo ang kanyang subject. Nakita na ang porma ng mag-asawa.

Naisip niya ang sinabi ni Sir Abe kahapon, patay na pala ang misis nito. Iyon ang dahilan kaya siya nagpagawa ng portrait. Gusto niya ay laging nakikita ang namayapang asawa. At ngayon nga ay wedding photo naman ang ipinagawa sa kanya.

Naidalangin ni Reagan na sana ay marami pang ipaguhit sa kanya si Sir Abe. Kapag marami itong ipinagawa, magiging mabilis ang pag-iipon niya ng pera para pangmatrikula.

Kapag nakaipon na siya nang sapat, maaari na siyang mag-enrol sa College of Fine Arts.

Narinig niya noong nasa high school pa siya, magastos din ang nag-aaral ng Fine Arts dahil sa mga gamit gaya ng technical pen, brush, drawing paper at iba pa.

Kailangang makaipon siya para makaenrol.

Hindi siya susuko.

Naniniwala siya na ang lahat ay nakukuha sa pagtitiyaga. Makakaya niya ang lahat.

At kapag nakatapos siya, kasamang uunlad ang kanyang pamilya. Mapapag-aral na niya ang tatlong kapatid. (Itutuloy)

 

RICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with