Pagtaas ng street crime sa ‘ber months’, bantayan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Kahit noon pa man na wala pang pandemya, tuwing sasapit ang ‘ber months’ todo na ang bantay  ng PNP laban sa mga mapagsamantalang mga kriminal o kawatan.

Ito ay dahil sa tuwing sasapit ang ganitong panahon inaasahan na ang pagtaas ng kaso ng mga ‘petty o street crime’.

Nandiyan ang holdapan , snatching, pandurukot , pangungulimbat at kung anu-ano pang modus na pinaghahandaan ng mga kawatan para lamang sa kanilang kapakinabangan.

Bagama’t nararanasan ang pandemya, asahan na rin na hindi paaawat ang mga elementong kriminal sa kanilang pagsalakay.

Baka nga mas lalo pang maging matindi ang mga operasyon ng mga ito, dahil sa may ilang buwan na rin silang hindi nakapambiktima mula nang pairalin ang mahihigpit na community quarantine.

Ngayong medyo niluluwagan na ito at nakikita na ang paglalabasan ng mga tao, mistulang uhaw na uhaw ang mga ‘yan,  nandiyan   at nakaabang.

Walang pande-pandemya sa mga iyan, basta ang layon nila makapangulimbat.

Dapat maging mapagmasid at matinding pag-iingat ang kailangan ng  ating mga kababayan para hindi mabiktima.

Lalo na nga’t kahit papaano eh nais nilang mairaos ang papalapit na holiday season sa dati nilang nakaugalian. Kahit pa nga dumaan sa matinding bangungot na dala ng COVID.

Sa panig ng PNP, dodoblehin naman daw nila  ang kanilang mga tauhan na ikakalat sa mga lansangan, maging ang mga checkpoint palalakasin din para maagapan at mapigilan ang pagtatangkang pagsalakay ng mga kriminal..

Matindi na ang pinagdaanan ng lahat sa taon na ito ng pandemya, kung may kaunting naisubi ang ilan wag naman sanang makulimbat pa.

Umaasa tayo na nakahanda na PNP para mabantayan  ang ating mga kababayan na ngayon nga eh unti-unti  nang lumalabas matapos ang mahabang panahong pagkakulong sa kanilang mga bahay.

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with