Project Menchie, inilunsad sa Mandaluyong!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

SOBRANG pagmamahal sa Mandaleño ang nagtulak kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos para narmasan sila ng tamang impormasyon tungkol sa umiiral na panahon kada araw para maiwas sila sa sakit at sakuna. Nagpakabit kasi ng 70 weather cameras sa 27 barangays itong liderato ni Abalos para giyahan ang mga residente kung ano ang tamang gagawin sa panahon ng kalamidad, kasama na sa paglaban sa sakit na COVID-19 at dengue.

Ang proyekto ni Abalos, na may pondong P8 milyon, ay tinawag na Project MENCHIE o Mandaluyong Enhanced monitoring of Natural hazard and Climate for Household Information and Education.

Sinabi ni Mandaluyong City chief of staff Jimmy Isidro na ang Project MENCHIE ay mag­bibigay ng advance warning sa mga residente ukol sa kada araw na klima ng panahon, lindol, at iba pang kalamidad, gayundin ang impormasyon ukol sa sunog, at baha.

Dinagdag pa ni Isidro na ang proyekto ni Abalos ay isang linggo nang umaandar at gumagana na ito sa lahat ng android gadgets, at sa linggong ito ay sa IPhone naman. Hak hak hak! Sobrang buwenas talaga itong taga-Mandaluyong dahil si Abalos ay kapakanan nila ang nasa isipan para mailayo sila sa disgrasya, no mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang, itong Mandaluyong City ang naunang siyudad sa bansa na gumamit ng social media para bigyan kaalaman ang mga residente at iba pang stakeholders tungkol sa weather, environmental conditions at natural disasters. ‘Ika nga, bago pa man tumama ang sakuna o sakit sa Mandaluyong, preparado na ang mga residente at iba pang stakeholders kung ano ang gagawin nila.

“This is one important service that we’ve come up with since everything is going digital right now. Especially not that we have to monitor dengue while there’s a pandemic going on. We must use these internet of things (IoT) in monitoring floods or stagnant water in every barangay,” ani Abalos.

Simple lang ang gagawin ng mga Mandaleños at ‘yan ay i-click ang https://resilient-mandaluyong.org at presto… lalabas na ang Realtime Map kung saan ipakita ang kasalukuyang environment ng Mandaluyong. Hak hak hak! Subok-subok muna mga kosa para masanay kayo at hindi mahirapang iwasan ang sakuna at sakit.

Ayon naman kay Ronald Arcanghel, hepe ng CDRRMO ng siyudad, ang ikinabit na cameras sa lahat ng sulok ng Mandaluyong ay kukuha ng snapshots ng weather measurements kada limang minuto. At ang datos na makuha nito, pati na ang sa ibang ahensiya ng gobyerno, ay magbibigay sa mga barangay, eskuwelahan, at iba pang lokasyon sa siyudad ng risk analysis.

Magkaroon din ang Project MENCHIE ng directory ng imporatanteng disaster preparedness at response location. Sinabi ni Arcanghel na ang weather video ay i-post din sa site at sa YouTube channel ng siyudad tuwing 7 a.m. at 7 p.m.

Ang ibig sabihin ni Arcanghel mga kosa, ay alam na ng Mandaleños ang lagay ng panahon at sakit na dadapo sa siyudad bago pa sila umalis ng kanilang bahay. San ka pa? Hak hak hak! Sarap buhay talaga ang taga-Mandaluyong sa liderato ng pamilya Abalos, no mga kosa? Anong sey mo Boss Jimmy? Abangan!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with