Sa dami nang maglalabasan, mga kawatan nakaantabay
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

Inaasahan na ang pagdami nang mga maglalabasan sa panahon na ito lalo pa nga’t nagkaroon na ng mga kaluwagan.

Bagama’t ang inaprubahan ng IATF ay mula sa 15 hanggang 65-anyos na pinapayagan nang makalabas ng bahay, nais naman ng mga Metro mayors na gawin itong 18 hanggang 65-anyos.

Maraming naging pagbabago sa mga nakalipas na araw, dinagdagan na rin ang kapasidad ng mga pasahero sa lahat ng mga pampublikong sasakyan. Anumang araw ay papayagan na ring makabiyahe ang motorcycle taxis para makatugon sa maraming maglalabasan na sa kanilang mga bahay.

Nasa 30 percent na rin ang papayagang makadalo sa mga religious gathering habang ang mga negosyo ay tuluy-tuloy na ring binubuksan.

Isabay pa rito ang  nalalapit na holiday season na bagama’t marami ang magkakansela ng mga pagpa-party dahil nga sa pandemya, positibo pa rin ang marami nating kababayan at siguradong pinaghahandaan din nila ang panahong ito kahit sa simpleng paraan.

Pero eto ha, sa ganitong panahon naman, nandyan at nakabantay at tila naghahanda na rin ang pag-atake ng mga elementong kriminal.

Kaya nga nagbabala ang PNP, na mag-ingat sa mga modus ng mga kawatan.

Ilan sa aksyon ng PNP laban sa mga ito ay ang pagpapalakas lalu na sa Metro Manila ng mga checkpoints laban sa mga motorcycle riding criminals at ang mas lalong pagpapaigting  ng  police visibility.

Isa sa nais ni Pangulong Digong na bago magtapos ang kanyang termino ay matutukan ang krimen sa bansa.

Partikular niyang binanggit ang pag-atake na naman ng mga riding in tandem na madalas na sangkot sa mga nagaganap na krimen.

Marapat lang maging vigilante ang publiko lalu ngayon na maaaring matindi ang pangangailangan ng mga kriminal na ayaw maghanapbuhay nang maayos kundi ang nais ay manguha na lamang na hindi niya pinaghirapan.

Pero higit sa lahat dito malaki ang inaasahan ng publiko sa ating kapulisan para sila maproteksiyunan at mabantayan.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with