NCRPO, paiigtingin lalo ang war vs droga! – Sinas!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

PARA madagdagan ang kaalaman ng Drug Enforcement Units ng NCRPO sa pagsulong ng legal matters sa anti-drug campaign at paglilitis ng kaso hanggang mahatulan ang akusado, ang mga DEU operatives sa Metro Manila ay ipinasailalim sa isang seminar para pag-ibayuhin ang kampanya laban sa droga ni President Digong.

Iginiit ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na ang kanyang tropa ay determinado na isulong ang kautusan ni President Digong na paigtingin ang kampanya laban sa droga, ang pagpapakulong sa mga drug pushers at pagpa-rehab ng users na maging daan para ang kabataan ay maging responsableng Pinoy sa ligtas na kapaligiran.

Naniniwala si Sinas na ang seminar ay maghahanda sa mga DEU units para sumabak sa laban, hindi lang sa droga kundi pati na din sa pagsugpo ng kriminalidad sa Metro Manila, kahit sa panahon pa ng pandemya.

Kung sabagay, maraming drug pushers ang pinakawalan ng korte dahil sa technicalities at malakas ang paniwala ni Sinas na SWAK na ang mga ito kapag may kaalaman sa legal matters ang mga DEU’s at matutukan ng husto ang kaso. Araguuyyyy! Hak hak hak! Sumisikip na ang mundo ng mga drug pushers na hindi humihinto sa kanilang raket kahit may COVID pa.

Ang seminar ay bahagi ng programa ni Sinas na tuluy-tuloy na education at training ng mga pulis sa NCRPO para masugpo ang droga at kriminalidad sa Metro Manila. Ang unang sumabak dito ay ang DEU personnel, kasama na ang mga chiefs of police ng Eastern at Northern Police Districts. Ginanap ang seminar sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City at ang mga lecturer ay mga opisyales ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Capital Region; Regional Legal Office at Regional Crime Laboratory, NCR.

Halos 1,000 DEU personnel galing sa Manila, Quezon City at Southern Police Districts ang sasabak sa naturang seminar sa susunod na mga araw. Natutuwa naman si Sinas sa nakita niyang dedikasyon ng mga DEU personnel para madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagsugpo ng droga nang sa gayon ay maiwasan ang «wow mail» sa mga lakad nila. Araguuyyyy! Hak hak hak! Puro kantiyaw ang inaabot ng mga pulis natin kapag palpak ang lakad nila, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa totoo lang, nagsagawa ng 8,323 operations laban sa droga ang NCRPO mula noong Enero 1 at nagresulta ito sa pag-aresto ng 14,887 drug personalities, at pagkumpiska ng P1,766,716, 183 halaga ng samut’ saring droga.

Ang pinaka sa accomplshments ng NCRPO ay ang pagkumpiska ng P136 milyon na droga sa Pasig noong Agosto 19, P61.2 milyon na shabu sa isang apartment sa Taguig noong Mayo, at P6.8 milyon sa Makati noong Mayo 6.

Teka nga pala! Sinabi ni Sinas na ang NCRPO ay may apat na Narcotic Detector Dogs sa ngayon at malaki ang maitulong nga mga aso para pigilin ang paglipana ng droga sa kalsada sa Metro Manila. Halos araw-araw ay milyones na shabu ang nakukumpiska ang NCRPO subalit parang walang katapusan ang supply ng droga sa bansa na ikinabahala ni President Digong kaya nag-utos ito ng ibayong kampanya. Abangan!

 

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with