Bait-baitan
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

ISANG matandang lalaking nakasimpleng t-shirt lang at maong ang napadaan sa city hall. Nalaman ng lalaki na isang victory party ang nagaganap sa loob ng city hall dahil iyon ang nakasaad sa banner na nakasabit sa may labasan. Sabi pa sa banner: “Lahat ay iniimbitahan sa victory party ni Mayor”.

Lahat pala ay imbitado. Kaya hindi nagdalawang isip ang lalaki na pumasok sa city hall kung saan idinadaos ang party. Gusto lang niyang makamayan at batiin nang personal ang mayor na first time pumasok sa pulitika. Hindi siya interesado sa pagkaing handa. Tagahanga siya ni Mayor. Wala pa sa pulitika si Mayor ay iniidolo niya ito dahil sikat ito at magaling  na abogado.

Agad nakalapit ang matandang lalaki dahil nagkataong nakatayo si Mayor malapit sa entrance ng munisipyo. Nakangiting iniabot ng matanda ang kanyang kamay kay Mayor ngunit umasim ang mukha nito nang magtama ang paningin nilang dalawa. Walang anu-ano’y biglang sumigaw si Mayor: “Guard! sinong nagpapasok sa matandang ito?”

Nilapitan ng isang bodyguard ang lalaki at binitbit palabas ng city hall. Sabi ng lalaki bago umalis, “Babatiin lang kita Mayor. Hindi ako masamang tao!”

Sagot ng mayor, “Pasensiya ka, papasuk-pasok ka sa ganitong okasyon na ganyan ang suot mo!”

Mga naka-Barong Tagalog at Amerikana nga naman ang mga bisita ni Mayor. Bago lumakad palayo sa city hall, napaluha ang matanda sa tindi ng kahihiyang inabot at awa sa sarili.

Tumakbong muli si Mayor para sa pangalawang termino. Isang araw ay humingi siya ng permit sa barangay chairman upang makapagdaos ng miting de avance sa lugar nito. Hindi pumayag si Chairman. Sinugod ni Mayor ang chairman. Nakangising aso si Chairman nang salubungin siya:

“Natatandaan mo ang matandang lalaking ipinabitbit mo palabas ng city hall noong victory party mo? Tatay ko ‘yun! Muntik na siyang atakihin sa puso dahil sa sama ng loob at panghihiyang ginawa mo. Hindi ko papayagang mauto ang aking mga  kabarangay ng isang pulitikong bait-baitan sa panahon ng kampanyahan pero kapag nakaupo na ay nangwawalanghiya ng matanda.”

“Carry out a random act of kindness, with no expectation of reward, safe in the knowledge that one day someone might do the same for you.” –Princess Diana             

              

CITY HALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with