^

Punto Mo

EDITORYAL – Walang ‘pork’

Pang-masa
EDITORYAL � Walang �pork�

INAPRUBAHAN ng Kamara noong Biyernes ang proposed P4.5 trilyong national budget para sa 2021 makaraang sertipikahan itong urgent ni President Duterte. Muntik pang maatra­sado ang deliberasyon ng national budget dahil sa mga drama sa Kamara. Nagkaroon ng problema sa term sharing sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kasalukuyang House Speaker Lord Allan Velasco. Nagtagisan muna bago naayos ang gulo. Kailangan pang puma­gitna ang Presidente bago kumalma ang Kamara. Mabuti at hanggang maaga ay pareho silang tumalima at ibinaon sa limot ang hidwaan.

Nagtrabaho na agad si Velasco pagkaraang humupa ang unos. At natapos nga sa loob lang ng ilang araw ang 2021 General Appropriations Bill. Sa Oktubre 28 ay ipapadala na nila ito sa Senado. Unang target ni Velasco ay Nob­yembre 5 ipadadala sa Senado pero sabi ni Senate President Tito Sotto, mahihirapan na silang aprubahan ito.

Isa sa makabuluhang sinabi ni Velasco ukol sa inaprubahang national budget ay walang mga isiningit na pork dito. Tiniyak ito ng House Speaker makaraang kumalat ang alegasyong tadtad ng pork insertions ang ipinasang budget. Nang tanungin si Velasco kung na-adjust ang budgets ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taguig at Camarines Sur para sa pantay na distribusyon, sinabi ni Velasco na wala silang pinakialamang funding­. Kinuwestyon kasi ng mga mambabatas sa House deliberations ang malaking alokasyon para sa infrastracture projects sa ilang legislative districts gaya sa Taguig City at Camarines Sur.

Sana nga ay walang nakasingit na pork sa 2021 budget. Ang mga ganitong isiningit na pork ang pinagmumulan ng corruption. Kung walang pork, makaaasang walang makukurakot. Sana nga ay siguradong malinis at walang nakasingit na pork sa 2021 budget.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with