^

Punto Mo

Para sa CEO ng Ishared Technologies, basahin mo ‘to!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

CHALLENGE accepted! Eto ang sagot ko at nang nagrereklamong biktima nitong si Reden Barela, Chief Executive Officer ng Ishared Tech Water Equipment and Supplies Trading.

Simple lang naman ang hiling ng nagrereklamo, ibalik ang P400,000 na ininvest sa negosyo ni Barela.

Ikaw ba naman ang pangakuan ng 80% kita sa capital na ilalagak mo sa kanyang kompanya. At tulad ng ibang dorobo, sa umpisa maganda at makinis ang operasyon.

Naibibigay pa sa kanyang mga kapitalista ang kitang ipinangako. Subalit nang wiwidrohin na ang kinita ng investors, marami na raw dahilan si Barela.

Isa sa mga nagrereklamo ang nagsabing lalapit na ito sa BITAG.

Sagot daw ng hambog na si Barela, “h’wag mo kong ma-Tulfo-Tulfo, sasamahan pa kita kung gusto mo.”

Aba’y kita mo nga naman ano, kung sino pa ‘yung nanloko ay siya pa ang siga at may angas na hamunin ang kanyang biktima.

Sa recorded conversation na ibinahagi ng nagrereklamo sa BITAG, maririnig pa ang sinasabi ni Barela na “hindi mo alam kung sino ang Tulfo sa buhay ko.”

Hoy kenkoy, hindi kita kilala at huwag na huwag mong babastarduhin o gagamitin sa iyong kalokohan ang apelyidong Tulfo.

Kaya pala namumroblema kang kolokoy ka ngayong mga panahong ito dahil nakaabot na sa mga biktima mo ang babala ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang kompanya mong Ishared Technologies, EcoLife Biz at Shared Eco Life, hindi rehistrado sa SEC. Lalong hindi awtorisadong mangalap ng investors.

‘Yung estilo mo na mala-multi-level o pyramiding, lumang tugtugin na kung tutuusin pero sa kasamaang palad, may mga naloko ka pa rin.

Balita ko na-feature daw ang kompanya mo sa isang higanteng network noon na naipasara kamakailan? Kaya naman siguro marami kang naengganyo sa iligal mong negosyo.

Pakita ka sa akin sa BITAG, ipi-feature din kita. ‘Yun nga lang, may halong imbestigasyon at public service.

Aantayin kita sa tanggapan ko Barela. Sasamahan mo kamo ang nagrereklamo? Eto na ako mismo si Ben Tulfo ang nag-iimbita sa’yo.

 

vuukle comment

CEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with