^

Punto Mo

Hindi ako susuko (13)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINABOL pa ng tingin ni Reagan ang lalaki habang papalayo ito. Saka niya naisip na bakit hindi niya tinanong ang pangalan ng lalaki. Nakalimutan niya. Masyado kasi siyang excited sa offer ng lalaki na ipagdrowing niya. Saka tiningnan niya ang binigay na picture ng lalaki na siya niyang pagbabasehan ng lilikhaing portrait. Misis­ ng lalaki. Maganda ang babae.

Lalo pa siyang na-excite nang sabihin ng lalaki kanina na kahit daw magkano ay babayaran siya.

Napangiti si Reagan. Talaga yatang maganda ang mga artwork niya at mayroon nang nag-ooffer sa kanya. Mahusay ba talaga siya?

Nasa ganoong pag-iisip si Reagan nang may dumating na babae at tinanong kung magkano ang tinda niyang drowing ng lumang simbahan. Nag-iisa na ang tinda niya.

“Fifty po Mam.’’

Binayaran siya ng babae.

Ubos na naman ang mga tinda niya.

Bago umuwi, pumasok­ uli siya sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa biyayang natanggap.

Pagdating niya sa bahay ikinuwento niya sa mga magulang ang tungkol sa lalaking nagpapadrowing.

‘‘Aba e talagang mahusay ka na nga, Reagan,” sabi ng tatay niya.

“Oo nga. Paghu­sayan mo pa,’’ sabi naman ng nanay niya.

Kinabukasan, si­nimulan agad ni Rea­gan ang paggawa sa portrait. Kaila­ngang­ pag­husayan niya para hindi siya mapahiya.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with