EDITORYAL - Hindi nagbabayad ang PhilHealth
EDITORYAL - Hindi nagbabayad ang PhilHealth
(Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MAY sumingaw na namang baho sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at nagpapatunay lamang ito na talagang talamak ang korapsiyon sa nasabing tanggapan. Noong Miyerkules, sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na ititigil na nila ang COVID-19 testing na binabayaran ng PhilHealth dahil masyado nang malaki ang balanse na dapat bayaran at nahihirapan na silang maningil dito. Ayon sa PRC, lumobo na sa P930,993,000 ang dapat bayaran ng PhilHealth.

Ang problemang ito ang dahilan kaya hindi muna tatanggap ng specimen ang PRC mula sa overseas Filipino workers (OFWs) at mga indibidwal na dumarating sa mga paliparan at pantalan sa bansa. Hangga’t hindi umano nagbabayad ang PhilHealth sa PRC, hindi sila magsasagawa ng testing para sa COVID. Ganunman, sinabi ng PRC na tuloy-tuloy pa rin ang pagtest nila sa mga indibidwal na nagpa-book sa kanila, mga pribadong kumpanya, mga lokal na pamahalaan at ibang ahensya ng gobyerno na up-to-date kung magbayad.

Sa sumingaw na problemang ito, maaaring hindi lang sa PRC may pagkakautang ang PhilHealth kundi pati na rin sa mga ospital, clinic, laboatories at ibang healthcare facilities at institutions.

At paano kung ganito rin ang maging pasya ng mga pinagkakautangan ng PhilHealth? Paano ang mga maliliit na manggagawang miyembro ng PhilHealth kung hindi sila ma-admit sa ospital o ma-test sa laboratoryo dahil sa pagkakautang ng tanggapan. Kawawa naman sila na umasang mapapakinabangan ang PhilHealth sa oras ng biglaang pangangailangan.

Lalong lumutang ang katanungan na kaya hindi maka-pagbayad ang PhilHealth sa PRC at iba pang institusyon ay dahil kinurakot na ng mga opisyal nito ang pondo? Ganito ang tiyak na iisipin ng mamamayan at wala nang iba pa.

Marami nang kinasuhang opisyal kaugnay sa korap­siyon sa PhilHealth. Pati ang nagbitiw na si dating Phil­Health Chief and CEO Ricardo Morales ay kasama rin sa pinakakasuhan dahil sa P15 bilyon na kinurakot sa pamamagitan ng internal reimbursement mechanism (IRM).

Dahil sa pagkadismaya ni President Duterte sa nangyayaring korapsiyon sa PhilHealth, gusto na niyang buwagin o isapribado ito. Sabi naman ng itinalagang bagong PhilHealth chief na si Dante Gierran, bigyan siya ng pagkakataon na maireporma ang tanggapan.

Malaking hamon kay Gierran ang pamamahala sa PhilHealth. Gawin niya ang lahat para maibalik ang tiwala sa lugmok at inaanay na PhilHealth.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with