Hindi ako susuko (11)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MAGANDANG ihagod ang brush na may katas ng duhat. Pantay na pantay ang paglapat sa papel. Hindi katulad ng water color na may may mga bula-bula pa.

Makaraang makagawa nang maraming illustrations ng mga lumang simbahan, isinabit niya ang mga iyon para lubusang matuyo.

Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Tagumpay ang pagga-mit niya ng katas ng duhat.

Nakaisip tuloy siya ng pamagat sa kanyang likhang sining: Katas Duhat Art.

Maski ang kanyang tatay ay manghang-mangha nang makita ang mga nakadispley niyang likha.

“Aba paganda nang paganda ang mga gawa mo Reagan? Ano ang ginamit mo at pawang kulay violet ang kulay ng mga simbahan?’’

“Katas po ng duhat, Tatay?’’

“Aba puwede pala ang katas ng duhat.’’

‘‘Opo.’’

‘‘Paano mo natuklasan na puwede pala yan.’’

‘‘Basta po naisip ko bigla habang palabas ako ng simbahan makaraangf magmisa. Nagdasal po kasi ako sa Diyos na gabayan sa aking mga ginagawa. At ito nga po bigla kong naisip na gamitin ang katas ng duhat. Susubukan ko nga rin po ang katas ng atsuete, kapeng bigas at ang sinabi sa akin ni Kennedy na katas ng madre de cacao.’’

“Aba e di puwede rin siguro ang katas ng bulaklak ng gumamela.’’

“Puwede rin po yun Tatay. Lalo ang pulang bulaklak.’’

‘‘Ang husay mo na nga. E mas maganda siguro kung naka-frame yang mga likha mo. Gusto mo igawa kita ng frame na kawayan?’’

“Sige Tatay! Para lalong maraming magkagusto sa mga drowing ko.’’

“Bukas kukuha ako ng mga kawayan.’’

LINGGO. Nasa harap ng simbahan si Reagan at nagbebenta ng kanyang likhang sining nang mapansin niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya.

Maya-maya, nakita niyang lumapit ang lalaki sa kanya. (Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with