^

Beach sa Ireland lumitaw muli matapos maglaho 36 na taon na ang nakararaan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 17, 2020 - 12:00am

ISANG bayan sa Ireland ang nagkaroon na muli ng beach matapos  maglaho 36 na taon na ang nakararaan.

Inanod kasi nang malala­kas na bagyo noong 1984 ang lahat ng buhangin sa kanilang baybayin kaya nawala ang ka­nilang beach na naging sanhi ng pagsasara ng mga kalapit na hotel at restaurant.

Kaya naman bukod sa pagkamangha ay tuwang-tuwa rin ang mga mamamayan ng Dooagh matapos lumitaw muli ang kanilang beach.

Sa pagkakataong ito, isang kakaibang high tide naman ang nagbalik ng beach sa kanilang bayan matapos magdala ng daan-daang tonelada ng buhangin sa dating mabatong baybayin.

Bukod sa mga buhangin ay nagdala rin ng mga kabibe ang high tide kaya naman kumpletong-kumpleto na muli ang bagong beach na nasa 300 metro ang haba.

Dati raw ay isa ang Dooagh sa pinakamalalaking bayan sa Europe ngunit simula nang mawala ang beach ay unti-unti nang nag-alisan ang mga mamamayan nito ayon sa isa sa mga natitirang residente ng lugar na si Emmet Callaghan.

Kaya lubos na umaasa ang mga taga-Dooagh na hindi na maglalahong muli ang kanilang beach upang magdagsaan na muli ang  mga turista sa kanilang bayan.

BEACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with