^

Punto Mo

Supply ng shabu sa bansa, walang katapusan?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING palaisipan para kay President Digong kung paano nakapasok sa bansa itong kilo-kilong shabu na ginigiba ang pundasyon ng pamilya ng mga Pinoy. Napuna kasi ni Digong na halos araw-araw ay may nahuhuli ang kapulisan na bulto-bultong shabu na nagkakahalagang milyones subalit parang hindi nahihinto ang supply nito. 

Inutusan na ni Digong si Customs Commisioner Rey Guerrero na pumatay ng drug syndicates na dumadaan sa mga puerto para ipasok ang shabu sa bansa subalit wa epek ito. Marami ring bigtime drug pushers na namatay sa NBP sa sakit na COVID pero hindi pa din nahihinto ang supply ng shabu sa kalye.

Kaya sa ngayon, iniutos ni Digong na sunugin kaagad ang nakumpiskang shabu at magtira na lamang ng kapiranggot bilang ebidensiya para maiwasan ang pag-recycle nito sa kalsada. May punto si Digong, di ba mga kosa?

Kapag hindi pa umipekto ang bagong paraan ni Digong, eh ano pa kaya ang dapat gawin para masawata ang supply ng shabu sa bansa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Parang hinahamon din ng drug syndicates ang gobyerno ni Digong kung ang supply ng droga ang pag-uusapan, di ba mga kosa?

Ang maganda rito, nangako si Digong na hindi siya bibitaw sa kampanya laban sa droga lalo na’t lumabas ang resulta ng National Household survey na bumaba na ang bilang ng mga Pinoy na drug adik. Ayon sa Dangerous Drugs Board humigit-kumulang sa 1.67 o dalawa sa bawa’t 100 Pinoy, na may edad mula 10 hanggang 69, ang drug users noong nakaraang taon.

Ang ibig sabihin nito, 2.05 percent na lang ang drug users noong 2019 kumpara sa 5.3 percent noong 2018, ayon naman sa World Drug Report. Malaki ang ibinaba nito dahil umabot na sa 4 milyong Pinoy ang drug users noong 2016 bago simulan ni Digong ang maigting na kampanya laban sa droga. Ang ibig bang sabihin nito, matagumpay ang drug campaign ni Digong? Ano sa tingin kaya ng international at local Human Rights groups? Araguuyyyy! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tiyak ‘yun!

Sinabi rin sa survey na tumaas ang kaalaman at pagsang-ayon ng mga Pinoy sa anti-drug campaign ng gobyerno, lalo na sa epektibo nitong pamamaraan para labanan ang salot ng lipunan. Imbes na tumaas, baliktad ang nangyari dahil malaki ang ibinagsak ng paggamit ng droga sa bansa. Lumabas din sa survey na marijuana ang paboritong gamitin ng 57 percent na mga Pinoy samantalang 35 percent ang gumagamit ng shabu.

Karamihan sa mga adik ay alam ang negatibong epekto ng droga sa kanila tulad ng problema sa kalusugan, pagkawatak-watak ng pamilya at pagbaba ng tingin ng kapwa Pinoy sa kanila. At higit sa lahat, iginiit sa survey na ang miyembro ng pamilya ang may malaking tulong para maibalik sa normal ang buhay ng mga adik sa 42.2 percent, kasunod nito ang pulisya sa 33.9 percent at ang LGU sa 26.1 percent.

Kaya ang resulta ng survey ang magtataguyod kay DDB chairman Catalino Cuy para pag-ibayuhin at maibaba pa lalo ang problema ng droga sa bansa. Hehehe! Hindi talaga epektibo ang puro patayan lang no mga kosa? Abangan!

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with