^

Punto Mo

Parang sinampal ang mga kritiko ng administrasyon

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang mga kritiko sa lumabas na ratings ni Pres. Rodrigo Duterte sa Pulse Asia survey kamakailan. Sa gitna kasi ng pandemya, pumalo sa 91% ang approval at trust rating ng Presidente.

Pero sabi ng mga kritiko, wala ‘yan! Kaya raw tumaas ang ratings ay dahil sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa totoong buhay daw, kung pangangasiwa umano sa krisis ng COVID-19 ang pag-uusapan ay bagsak naman talaga ang admin.

Ayaw silang maniwala.

Ang lagay eh, parang iniinsulto ang pag-iisip ng mga nasa ibaba na naging sakop ng survey na ito. Nilalait ang estado ng kaisipan ng mga Pilipinong nasa Class D at Class E.  Eto raw kasi ang madaling suhulan.

Eto raw ‘yung lebel ng mga Pinoy na hindi na iniisip ang klase ng pangangasiwa ng pamahalaan basta ang importante ay may panuhol. Bakit ba raw kasi sa Class D at E ginawa ang survey?

Kung gagawin daw ang survey na ito sa mayayamang nasa Class A, B ay siguradong babagsak daw ang Presidente.

Kita mo nga naman ang estado ng kaisipan ng mga kritikong ito, hala bira! Eh kaso, ang pikon ay talo! Kasi naman, dapat magbago na sila ng estratehiya’t taktika! Lalo tuloy napapahiya.

Kung wala na kasing maipapakitang ibang alternatibo, magtrabaho na lang at bawasan ang ngawa.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with