^

Punto Mo

Registration para sa Nat’l ID System, simula na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

INIUTOS ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration ng PNP, sa lahat ng police commanders na makialam sa seguridad at pagpatupad ng health protocols ng gobyerno sa gaganaping registration ng National ID system umpisa sa araw na ito. Iginiit ni Eleazar na makipag-coordinate ang lahat ng police commanders sa mga local government units (LGUs) at Philippine Statistics Office (PSO) sa kanilang hakbangin para maiwasan ang ‘di pagkakaintindihan at kaguluhan sa mga lugar kung saan gaganapin ang ID registration.

Magkakaroon ng ID registration sa 32 probinsiya at dahil mataas pa ang bilang ng COVID-19 sa bansa, minabuti ni Eleazar na handa ang pulisya na gampanan ang kanilang role sa security at iba pa. Dahil panahon pa ng pandemya, si Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force COVID Shield, ay mahigpit ang tagubilin na hindi dapat malusutan ang mga pulis sa pagpatupad ng health protocols ng gobyerno ni President Digong para hindi na umalagwa pa ang corona virus.

Ipinaliwanag din ni Eleazar na malaking papel ang gagampanan ng National ID System para sa mabilisang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa mg Pinoy sa panahon ng kalamidad. Tumpak! Hak hak hak! Kaya mga kosa ko, pairalin ang lamig ng ulo sa araw na ito para gumanda ang takbo ng ID registration sa bansa.

Ayon kay Eleazar, dapat bantayan din ng mga pulis ang tinatawag na enumerators o supervisors ng mga ahensiya ng gobyerno na magsagawa ng house-to-house na pagbisita sa mga residente para makolekta ang mga datos ng mga ito. Kailangang magkaroon ng social distancing at ang mga Pinoy ay may suot na facemask at face shield bilang pangontra sa COVID.

Umaabot sa humigit-kumulang na 5,000 katao ang kinuha ng PSA para mag-interbyu at magkolekta ng datos sa target households sa 32 probinsiya, ani Eleazar. Itong data-gathering mga kosa ay una sa tatlong bahagi na pagparehistro sa National ID System. Ang kasunod na bahagi ay ang pagsagawa ng biometrics sa designated centers at ang pangatlo ay ang pag-isyu na ng ID. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kaya ‘wag kalimutan ang tagubilin ni Eleazar mga kosa para hindi kayo pauuwiin para kunin pa ang mga gamit sa health protocols n’yo.

Sinabi ni Eleazar na ang National ID System, o Philippine Identification System (PhilSys) ay pinirmahang batas noong 2018 para mapagaan ang transaksiyon ng mga Pinoy sa ahensiya ng gobyerno, bangko at iba pang serbisyo. Target nitong maisyuhan ng ID ang 92 milyon na mga Pinoy sa Hunyo 2022.

Maunang magsagawa ng registration sa Ilocos Sur, Cagayan, Isabela, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Leyte, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Compostela Valley at Tawi-Tawi.

Samantala, sa Metro Manila at sa iba pang panig ng bansa ay sa susunod na taon na gagawin. Abangan!

 

vuukle comment

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with