^

Punto Mo

Tigilan na nga ang drama n’yo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY napansin ako sa estilo ni President Rodrigo Duterte noong isang araw sa kanyang speech patungkol sa Kongreso.

Mahinahon, kalmado, may halong lungkot sa kanyang mga binitiwang salita.

Kung babasahin nang maigi ang kanyang behavior, nakatago ang kumukulong galit at pagkabuwisit sa kanyang dalawang kaalyado sa Kongreso.

Itong mga nagbabangayan na sina Cong. Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

Sa simpleng Juan Dela Cruz na sumusubaybay sa eksena ng dalawa sa Kongreso, mga nabubuwisit at napupuno na rin.

Nakakairita na ang kaliwa’t kanang pag-iinarte.

Lalo na ngayong nagsalita na ang Presidente, tunog umaapela. Wala siyang pakialam sa away ng dalawa basta’t maipasa lang ang national budget.

Ewan ko kung tatablan ang dalawa na ‘to sa mensahe ng Presidente. Dahil ang taumbayan, ang gustong marinig ay mga mensaheng no holds-barred, unfiltered para doon sa dalawa.

Parang ganito:

Kayong dalawa, tapyasan ang pagiging sakim sa posisyon na pinag-aawayan ninyo!

Tigilan n’yo na’t umayos na kayong dalawa. Lintek naman, ipasa n’yo na ang national budget! Dahil kailangan ito ng mga kababayan nating nasa mga ospital, nakaratay dahil tinamaan ng COVID-19.

Habang kayong dalawa nagbabangayan, may nagkakandamatay dahil sa virus. At ‘yung budget na yang ibininbin n’yo, gagamitin sa mga medisina na dapat pondohan...ora mismo!

‘Yang budget na yan na para sa susunod na taon, ngayon pa lang, dapat nakalatag at plantsado na!

Damdamin ng taumbayan ‘to, unfiltered. Para sa dalawang mambabatas na ayaw pang magpaawat.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with