^

Punto Mo

17-anyos sa Texas, may pinakamahabang legs sa buong mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 17-anyos na babae sa Texas ang nagkamit ng dalawang Guinness World Records dahil sa kanyang mga binti na mahigit apat na talampakan ang haba.

Kinilala ng Guinness World Records si Maci Currin bilang babae at teenager na may pinakamahahabang legs sa buong mundo.

Nasa 4 feet at  5.25 inches ang haba ng kanyang kaliwang binti samantalang ang kanyang kanan ay may sukat namang 4 feet at 4.87.

Ayon kay Currin, likas nang matatangkad ang kanyang pamilya, ngunit wala sa kanyang mga kamag-anak ang makakapantay sa kanyang 6’10 na katangkaran.

Kahit pa nakakadalawang world records na si Currin, hindi pa rin umano siya nasisiyahan dito.

Pangarap niya balang araw na makilala naman bilang pinakamatangkad na professional model sa buong mundo.

TEXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with