EDITORYAL - Nasayang ang mga gamot
EDITORYAL - Nasayang ang mga gamot
(Pang-masa) - October 8, 2020 - 12:00am

MARAMING maysakit na Pinoy. Maraming namamatay na hindi na nakakatikim ng gamot o maipaospital man lang. Ayon sa report, 371 Pinoys ang namamatay araw-araw dahil sa sakit sa puso at 88 naman dahil sa diabetes. Karamihan sa mga ito ay mahihirap na walang kakayahang bumili ng gamot at ngayong may pandemya, lalo nang kaawaawa ang kanilang kalagayan dahil sa kakapusan sa pera.

At habang marami ang mga Pinoy na hindi ma-kabili ng gamot dahil sa kahirapan ng buhay, nakakapagpainit naman ng ulo na malaman na marami palang na-expired na gamot sa bodega ng Department of Health (DOH), ayon sa report ng Commission on Audit (COA). Ayon pa sa COA, marami pa umanong malapit nang ma-expired. Bukod sa mga gamot, marami rin umanong dental supplies na binili ng DOH na na-expired na at mayroong malapit na ring ma-expired. Sobra-sobra umano ang stocks na nasa bodega. Ang halaga ng mga expired na gamot at dental supplies ay nagkakahalaga ng P2.2 bilyon.

At sa kabila na maraming nasayang na gamot ang DOH, humihingi pa ang kagawaran ng P486 milyong pondo para sa Procurement and Supply Chain Ma-nagement Service para sa 2021 budget. Bukod pa rito ang hinihinging P28.64 billion na proposed budget para sa DOH para sa 2021. Ngayong nananalasa ang coronavirus, naaprubahan agad ang hinihingi ng DOH na P19.09 billion na pandemic budget para ngayong taon.

Nagbabala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Department of Health na huwag aksayahin ang pera ng taumbayan. Masyado aniyang nasayang ang taxpayers’ money dahil pinabayaan lang ma-expired ang mga gamot at dental supplies. Ayon pa sa senador, nararapat na unahing bakunahan ang DOH dahil sa ginawa ng mga itong pag-aaksaya sa mga gamot.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natuklasan ng COA na maraming na-expired na gamot sa bodega ng DOH. Ilang taon na ang nakararaan, marami ring nasayang na gamot. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang ginagawa ng DOH na pag-aaksaya. Imbestigahan ang nangyayaring ito.

 

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with