Kung mahirap ka at biglang yumaman…
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - October 7, 2020 - 12:00am

DALAWANG bagay ang puwedeng mangyari sa isang mahirap na yumaman — maging mapagmataas o mapagkumbaba. Base sa aking obserbasyon, ang madalas nagiging mapagkumbaba sa kabila ng pagiging mayaman ay iyong may pinag-aralan. Ang nagiging mapagmataas ay ang walang pinag-aralan.

May isang biyudang masarap magluto ng kakanin. Siya na ang nagluluto, siya pa rin ang nagtitinda. Nang tumagal ay kumuha na siya ng mga resellers. Iyon ang nagpalakas ng kanyang negosyo.

Kaya lang ang dating mahinahon na biyuda ay naging masungit nang umasenso ang buhay. Mga tauhan sa pagawaan ng kakanin ang nakakatikim ng katarayan ng biyuda, kasama na dito ang mga katulong sa bahay.

Namatay ang kanyang kaisa-isang anak na tumutulong sa kanya na magpatakbo ng negosyo. Hindi niya kayang magpatakbong mag-isa dahil ang alam lamang niya ay isulat ang kanyang pangalan. Kahit magbilang ng one to 100 ay hindi niya kayang gawin.

Accountant ang namatay niyang anak. Kumuha siya ng panibagong accountant pero nang magtagal ay niloko siya at ninakaw ang malaking halaga ng pera. Iniwan siya ng kanyang accountant ng may malaking utang sa mga suppliers ng raw materials kaya wala siyang nagawa kundi isara ang pagawaan ng kakanin. Nawala ang kayamanan ng biyuda pero naiwan pa rin ang katarayan sa kanyang katawan.

May isang lalaki na kinailangang pumasok na kubrador ng huweteng para may maipangtustos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nagpaalila rin siya sa kamag-anak na mayaman dahil kulang ang kanyang kinikita sa pagkukubrador.

Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap at isang araw ay nagising na lang siyang nakatira sa malapalasyong bahay na may nakaparadang tatlong kotse sa tarangkahan.

Simula nang yumaman ay naging relihiyoso siya at tumigil na sa pag-inom ng alak. Siya ang takbuhan ng mahihirap niyang kamag-anak hanggang kung minsan ay inaabuso na ang kanyang kabaitan. Magkaganoon pa man ay hindi siya tumitigil ng pagtulong. Katwiran niya: “Ayokong tumigil sa pagtulong upang hindi rin tumigil ang pagdaloy ng grasya sa akin.”

EDUCATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with