^

Punto Mo

Maari bang kasuhan ang nagbabanta ng demanda?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Paulit-ulit po ang pagbabanta sa akin ng inutangan ko na idedemanda niya ako ng estafa. Maari ko po ba siyang sampahan ng demanda para sa paulit-ulit na pagbabanta niya?—Mikee

Dear Mikee,

May tatlong klase ng pagbabanta na pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Kung ang banta ay isang krimen katulad ng pagpatay, pananakit, o paninira ng ari-arian ay matatawag itong grave threat na pinarurusahan sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.

Kung hindi naman isang krimen ang banta ngunit ito ay nakapagdudulot pa rin ng pagkabahala sa iba, matatawag naman itong light threat. Pinarurusahan din ito ng pagkakakulong sa ilalim ng Article 283 ng Revised Penal Code. Laging may kasamang kondisyon ang mga light threats katulad ng paghingi ng pera o pabor na hinihinging kapalit para sa hindi pagtuloy sa banta.

Ang ikatlong klase ng pagbabanta na pinarurusahan sa Re­vised Penal Code ay ang Other Light Threats sa ilalim ng Article 285. Ito ay mga pagbabanta na nakapagdudulot ng pagkabahala ngunit wala itong kondisyon at ang banta ay hindi rin paggawa ng isang krimen.

Malinaw sa kaso mo na ang banta sa iyo na sasampahan ka ng kaso ay hindi grave threat o light threat sa ilalim ng Articles 282 at Article 283 ng Revised Penal Code dahil hindi naman isang krimen ang pagsasampa ng kaso at wala namang kaakibat na kondisyon ang mga banta sa iyo.

Hindi rin masasabing nasa ilalim ng Other Light Threats sa Article 285 ang banta sa iyo dahil masasabing pamemerwisyo ang pagsasampa ng kaso. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Auyong Hian v. Court of Tax Appeals (G.R. No. L-28782, 12 September 1974), isang karapatan ang pagsasampa ng reklamo at walang sinuman ang maaring maperwisyo mula sa paggamit ng mga karapatang ipinagkaloob sa atin ng batas.

Hindi naman ibig sabihin nito ay wala nang maaring pananagutan sa batas ang paulit-ulit na nagbabanta ng demanda sa iyo. Kung labis na ang paulit-ulit niyang pagbabanta ng demanda at masasabing harassment na ang kanyang ginagawa, maari mo siyang sampahan ng reklamong unjust vexation. Maari mo rin siyang sampahan ng malicious prosecution, kung sakali ngang sampahan ka niya ng kaso at sa huli ay mapatunayang wala kang sala. Kailangan mo nga lang patunayan na ang pagsasampa ng kaso sa iyo ay malisyoso at ang reklamo ay walang anumang basehan.

 

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with