^

Punto Mo

Distance learning, makakasanayan din!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pihadong ratsada at bising-bisi ang koneksyon ng internet sa araw na ito.

Unang araw ngayon ng pasukan para sa School Year 2020-2021.

Nasa 24 milyon estudyante sa bansa ang magsisimula na sa kanilang blended distance learning, na may malaking kaibahan sa nakaugaliang face-to-face classes.

Bagama’t tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tuluy na tuloy ang  pagbubukas ng klase, ito’y kahit na nananatili  pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Tiwala sila na nakahanda na ang lahat para sa kakaibang pag-aaral  na gagawin  sa kasalu­kuyan.

Malaking adjustment talaga ang mangyayari, hindi lamang sa mga guro kundi maging sa mga estudyante at maging sa kanilang mga magulang na may malaking gagampanan at tututok ngayon nang husto sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Bukod sa mga modules na naipamahagi na para sa ilang linggong aralin, sa mga online classes naman posibleng sa araw na ito o sa mga susunod nandiyan pa rin ang orientation para sa blended distance learning.

Dito na dapat makatiyak sa maayos na serbisyo ng mga telcos, na sana ay napaghandaan na rin nila ito para sa pangangailangan ng kanilang mga kliyente.

Asahan na hindi magiging smooth ang unang araw o mga susunod na araw, gaya na rin nang laging nangyayari kahit noong face-to-face classes ang nagaganap.

Pero sa paglipas ng araw, naaayos din.

Ganito rin ang inaasahan sa distance learning at habang tumatagal makakasanayan na rin, kaysa nga naman matigil nang matagal ang pag-aaral.

Makakasanayan din ang lahat nang hindi nasasayang ang panahon na lilipas.

 

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with