^

Punto Mo

Localization program ni Cascolan, wala sa timing?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PANALO itong programa ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na tinatawag na ‘‘localization’’. Sa pagkakataon kasi na ito, makakapiling ng mga pulis ang kanilang mga pamilya na matagal nang napalayo sa kanila.

May mga pulis kasi tayo mga kosa na recruit sa Cordillera o sa Ilocos Region subalit napa-assign sa Metro Manila sa kasagsagan ng kudeta laban sa gobyerno sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo.

Tandang-tanda ko pa na ang PNP chief noon ay si Gen. Edgar Aglipay at karamihan sa mga bagong recruit na pulis ay doon stay-in sa itaas ng EPD Annex building sa Meralco Ave., sa Pasig City. Ayon sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) halos 8,561 na pulis ang nag-apply para bumalik na sa kanilang probinsiya at 7,410 sa kanilang ang nag-qualify dito.

Ang panalo sa programa ni Cascolan ay ang naka-assign sa Metro Manila subalit hindi ibinigay ng DPRM kung ilang libong pulis sa NCRPO ang uuwi sa probinsiya. Ang ibinigay na deadline ni Cascolan sa “localization” program niya ay October 4 kaya maaring may mga pulis na tayo na lumarga na sa ngayon pauwi sa kanilang probinsiya. Hak hak hak!

May punto si Cascolan dito sa programa niya dahil mapagagaan ang gastusin ng mga pulis sa probinsiya kung saan mababa ang cost of living, di ba mga kosa?

Kaya lang, mukhang wala sa timing itong programa ni Cascolan dahil tatamaan ang mga local government units (LGUs) at ang gobyerno ni President Digong na nasa kainitan sa ngayon sa pag-apula ng COVID-19 pandemic. Panay reklamo kasi ng mga LGUs sa Metro Manila na kokonti ang pulis nila para bantayan ang malaking area nila laban sa kriminalidad.

Hindi lang ‘yan! Karamihan din sa mga pulis sa Kamaynilaan ay naging frontliners sa COVID at sa katunayan marami sa kanila ang naging positibo o asymptomatic sa virus. Paano masisiguro ni Cascolan na negatibo na ang mga pulis sa virus bago sila payagang umuwi sa probinsiya dahil pagdating nila doon siguradong mamumroblema rin ang mga LGU roon? Araguuyyyy!

‘Wag na tayong lumayo pa, dahil napabalita nga na ang isang flight ng eroplano pauwing Davao nung isang linggo ay 40 pasahero ang naging positibo sa COVID kaya malaking gastos ito sa LGU.

May isa pang problema. Maraming pulis kasi na ipinatapon sa Mindanao noong panahon ni PNP chief at ngayon Sen. Bato dela Rosa na positibong sangkot sa droga. Pababalikin din ba sila sa Metro Manila? Paano kung bumalik sila sa dating gawi?

Aba...aba...maging problema rin sila hindi lang ni Cascolan at madagdagan na naman ang nasa drug watchlist ni President Digong. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Dapat rebisahing maigi ni Cascolan ang programa niyang localization para maiwasan ang problemang dala ng COVID at watchlist sa droga, di ba mga kosa?

Ayon kay Cascolan, magkaroon ng swapping ng personnel ang NCRPO at police units sa probinsiya para hindi maapektuhan ang bilang ng pulis sa mga sangkot na lugar, lalo na sa Metro Manila. Ang localization, aniya, ay para i-boost ang morale and welfare ng PNP sa ilalim ng liderato n’ya.

Sinabi pa ni Cascolan na may mga mayor naman na sang-ayon sa kanyang localization program at sinisiguro niyang magiging maganda ang performance ng kapulisan sa probinsiya nila dahil alam nila ang pasikut-sikot dun lalo na ang customs at tradition. Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with