_pang-masa
^

Mayor sa Romania, nahalal muli 2 linggo matapos siyang mamatay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 4, 2020 - 12:00am

LANDSLIDE ang natanggap na boto ng isang mayor sa Romania – iyon nga lang, ang pagkapanalo niya ay nangyari dalawang linggo matapos siyang mamayapa.

Muling nahalal sa kanyang pangatlong termino  bilang mayor ng Deveselu, Romania si Ion Alima matapos niyang makuha ang 64% ng mga boto sa isinagawang halalan kamakailan.

Sa kasamaang palad, hindi na inabutan ni Alima ang kanyang landslide na pagkapanalo dahil binawian siya ng buhay dahil sa COVID-19 noong September 17, ilang araw bago ang eleksiyon.

Mapapanood sa isang video na ipinost online ang ginawang candlelight vigil na isinagawa ng kanyang mga taga-suporta.

Ayon sa mga election official, nailagay na ang pa­nga­lan ni Alima sa mga balota at huli na para mapalitan ito. Pansamantalang pamumunuan ang Deveselu ng deputy mayor bago magdaos muli ng special election para sa pagka-mayor ng bayan.

LANDSLIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with