^

Punto Mo

Ituloy ang halalan para gantimpalaan ang magagaling

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

SHOCKING, ito ang pinakasimpleng salitang masasabi ko sa mungkahi ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo na ipagpali­ban ang pambansa at lokal na halalan sa May 2022 dahil sa COVID-19 pandemic. Maraming sektor ang tahasang nagpahayag ng pagtutol, kasama na ang Malacanang. Ang ganitong panukala ay nagdaragdag lamang sa ating pambansang kabalisahan.

Dalawang taon pa bago maghalalan, kaya maaaring wala na ang pandemya sa panahong iyon. Ang ibang bansa nga na may pambansang halalan sa taong ito’y hindi nag-iisip na ipagpaliban ang halalan. Halimbawa ay ang Myanmar at US. Kaya wala sa panahon ang mungkahi.

Kung mayroon mang napapanahong mungkahi, ito’y hindi ang pagpapaliban ng halalan, kundi ang pagpapaaga nito. Baka kailangan sa isang taon na. Pero hindi ko na ito ipipilit. Sapat nang matuloy ang halalan sa 2022. Ang halalan ang ligal na paraan upang gantimpalaan ang magagaling na lider at parusahan ang mga hindi karapat-dapat.

Dahil sa COVID-19 pandemic, nabulgar kung sino sa ating mga lider ang may tunay na kakayahang mamuno. Itinuro sa atin ng pandemya na hindi sapat ang tapang at mass appeal upang mamuno.  Ang namumuno ay kailangang buo ang loob, malikhain, strategic kung mag-isip, at higit sa lahat, may servant spirit. Sabi nga ni Hesus sa Marcos 10:43-44, “Sinumang ibig na maging dakila sa inyo ay kailangang maging lingkod ninyo; at ang sinumang nais na maging una ay kailangang maging alipin ng lahat.” 

Marami pang maaaring dumating na pandemya at trahedya. Ang survival natin bilang isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng ating mga lider. Ang isang magandang halimbawa ay ang Vietnam, isang bansang may 97 milyong populasyon, ang lupain ay mas malaki lamang nang 10 porsiyento sa atin, ngunit sa kabuuan, mas mayaman pa tayo nang bahagya sa Vietnam.

Sa ngayon, tayo na ang may pinakamalaking kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia. May projection na sa katapusan ng buwang ito, baka umabot sa halos kalahating milyon ang ating kaso. Mahigit nang 5,000 ang Pilipinong namamatay dahil sa coronavirus. Pero ang Vietnam, wala pang natatala kahit isang namatay, at ang kaso ay hindi lumampas ng 300.

Ang sikreto ng Vietnam ay ang decisiveness ng mga lider nito. Nang maitala noong Enero ang unang kaso ng COVID-19 mula sa isang nanggaling sa Wuhan, China, kaagad ipinagbawal ang pagpasok sa Vietnam ng mga Chinese. Ang Vietnam ay nasa border lamang ng China. Nagsagawa nang malawakang contract tracing. Walang ipinatupad na total national lockdown, sa halip, sa mga lugar lamang na mataas ang kaso, kaya hindi naapektuhan ang kanilang ekonomiya.

Sa pagtaya ng kanilang economic experts, lalago pa nang hanggang 5% ang kanilang ekonomiya sa taong ito. Nagdebelop sila ng sariling testing kits na ang resulta ay nakukuha sa loob lamang ng isang oras.  Ngayon, nag-e-export pa sila ng mga kits na ito sa Europe. Epektibo ang sistema ng komunikasyon at impormasyon ng gobyerno.  Itinuring nila ang COVID-19 na common enemy ng bansa at bawat mamamayan ay dapat lumaban na parang isang sundalo.

Kailangang ituloy ang halalan upang makapagluklok tayo ng mga lider na may kakayahan sa pamumuno: decisive kung magpasya, proactive kung kumilos, at may pagpapakumbaba kung maglingkod.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with