^

Punto Mo

EDITORYAL - Sumusuko na sa mga korap

Pang-masa
EDITORYAL - Sumusuko na sa mga korap

TALAMAK na talaga ang korapsiyon sa bansa. Grabe na ang nangungulimbat sa mga tanggapan ng pamahalaan. Wala nang patawad at sinisimot ang nasa kaban.

Ang grabeng korapsiyon ang nag-udyok umano kay President Duterte para mag-offer na magbitiw na sa puwesto. Wala na raw katapusan ang korapsiyon. Imposible na raw itong mapahinto. Sa himig, tila sumusuko na ang Presidente para labanan ang korapsiyon dahil hindi naman siya mananalo.

Marami ang nagulat at nag-react sa sinabi ng Presidente na talagang wala nang magagawa o mahirap nang mapahinto ang korapsiyon. Nakapagtataka na ang isang matigas na lider ay mag-o-offer magbitiw sa puwesto dahil suko na siya sa paglaban sa korapsiyon. Sa halip na sabihin niyang magtago na ang mga korap at dudurugin niya ang mga ito, ang namutawi sa bibig niya ay magbibitiw siya sa puwesto.

Kontra rin ang mga sinabi niyang ito sa mga dati na niyang sinabi o pagbabanta noon laban sa mga korap. Noon sabi niya, kapag may naamoy siyang singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan, sisibakin agad niya ang pinuno. Wala nang tanung-tanong pa. Kaya payo niya sa mga korap na taong gobyerno, magbitiw na lang kaysa ipahiya niya. Marami na siyang sinibak na tiwali na opisyal. Pinakamarami noong 2017 na basta may nalanghap siyang katiwalian, sinisibak agad niya.

Kabaliktaran nga ang sinabi ng Presidente sapagkat sa halip na ang mga korap ang magbitiw e siya itong nag-offer na magre-resign. Lumalambot na nga yata siya at nawawalan na ng pag-asa. Pero sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman daw magbibitiw ang Presidente dahil sa kabiguang masolusyunan ang korapsiyon. Sabi ni Roque magpapatuloy daw ang Presidente sa paglaban sa mga tiwali. Gagamitin daw nito ang nalalabing dalawang taon sa puwesto para malutas ang katiwalian sa gobyerno.

Hindi magandang pakinggan na ang isang Presidente ay mag-o-offer na magbitiw dahil sa tingin niya ay wala nang lunas ang problema sa corruption. Imposible na raw mapahinto.

Hindi dapat panghinaan ng loob ang Presidente sa paglaban sa mga corrupt sapagkat sasamantalahin lamang ito para lalo pang makapangulimbat. Kapag nagpakita nang pagsuko sa mga matatakaw, walang ibang kawawa kundi ang taumbayan.

 

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with