Localization ng police assignment isusulong!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

‘Localization’ ng police assignments ang sinusulong ni PNP chief General Camilo Cascolan.

Ito ‘yung pagtatalaga sa mga pulis  malapit sa kanilang tirahan.

Binanggit ng PNP chief  na alinsunod naman ito  sa Section 63 ng Republic Act 8551,  kung saan nagsasaad na  ang  PNP members na may ranggo na Patrolman/woman hanggang P/Executive Master Sergeant  ay  itatalaga sa city at municipality  o sa lugar na malapit sa kanilang  tirahan.

Naniniwala  si Cascolan na  sa pamamagitan ng nasabing programa, mas magiging epektibo at mabilis  ang trabaho ng mga pulis.

Mas  madali  ring makakasama ng  mga pulis ang kanilang pamilya na makakatulong sa kapanatagan ng kanilang isipan.

Bukod pa rito,  siyempre malaking factor na kabisado nila ang lugar at karamihan sa naninirahan dito.

Makakatulong nga naman ito sa paglaban at sa madaliang paglutas ng krimen.

Sa programang ‘balik probinsya ‘ ng mga pulis na dito nga  unang nagpahayag naman ng agam-agam  ang mga alkalde sa Metro Manila.

Inalala kasi ng LGU execs na  baka nga naman mapilay  sa law enforcement ang kanilang mga nasasakupan lalo na kung gagawin ng biglaan.

Malamang na maraming nakadestino sa kanilang lugar eh hindi lihetimong taga-roon  at

kung ura-urada nga namang pababalikin ang mga ito sa kanilang mga lalawigan o maging sa kanilang mismong tinitirhan baka nga naman walang maiwan sa kanila.

May pagtiyak na dito  ang PNP na gradual lamang ang gagawing mga paglilipat  at kung may maalis man,  ito ay may kapalit.

Aantabayan natin kung makakatulong ang ‘localization’  sa pagpapanatili ng peace and order sa bawat lugar.

Magklabisa rin sana ang programa hindi lamang sa kabuuan  ng PNP kundi maging sa bawat isang nasa serbisyo.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with