^

Punto Mo

Ano ang maaring ikaso sa umutang na nag-issue ng tsekeng tumalbog naman?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ang maari kong ikaso sa nangutang sa akin na nag-issue­ ng tumalbog na tseke? Nasa Php 100,000 po ang utang niya. Maari ko po ba siyang sampahan sa tinatawag na small claims court tapos ay sasampahan ko rin siya ng kasong estafa at BP 22? — Lanie

Dear Lanie,

Maari mong sampahan ng kasong sibil ang umutang sa iyo sa small claims court dahil pasok ang halagang sinisingil mo mula sa kanya. Maari mo rin siyang sampahan ng BP 22 lalo na kung napadalhan mo na siya ng demand letter ukol sa tumalbog niyang tseke.

Ukol naman sa pagsasampa ng kasong estafa, nakadepende ito kung kailan inisyu ng umutang sa iyo ang tseke. Masasabing estafa ang ginawa ng umutang sa iyo kung nag-issue siya ng postdated na tseke nang umuutang pa lamang siya sa iyo upang makumbinsi kang siya ay pautangin mo. Makikita kasing may kasamang panloloko ang pag-issue niya ng tumalbog na tseke.

Hindi naman masasabing estafa ang kanyang ginawa kung napautang mo na siya at saka lamang niya inisyu bilang kabayaran ang tseke na kalauna’y tumalbog.

Tandaan lamang na sa ilalim ng ating batas, awtomatiko nang kasama ang sibil na kaso kapag nagsampa ka ng kriminal na kaso para sa BP 22 o estafa. Hindi pinapayagang nakahiwalay ang sibil na kaso kapag BP 22 ang isinampa mong reklamo puwera na lang kung nauna ka nang nakapagsampa ng kaso sa small claims court.

Pinapayagan naman ang hiwalay na sibil na kaso sa estafa ngunit kailangan mo munang ipaalam sa korte kung nais mong magsampa ng hiwalay na kasong sibil o kung kasalukuyan nang may nakabinbin na kaso sa small claims court.

 

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with