^

Punto Mo

Brgy. execs, binalaan ng ‘tokhang’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagbabala na ang PDEA sa mga pabayang barangay chairman­ na malamang sila ang ‘ma-tokhang’.

Ito ‘yung mga barangay officials na patuloy na pinagwa­walang bahala ang kampanya ng pamahalaan sa ilegal na droga.

Ang babala ay ibinigay ni PDEA director general Wilkins Villanueva makaraang lumabas sa ulat na nasa 14,171 pang mga barangay o 33.70 percent sa kabuuang 42,045 barangay sa bansa ang nananatiling apektado pa rin hanggang sa ngayon ng ilegal na droga.

Ang mga sinasabing pabaya ay yaong mga walang programang ipinatutupad sa paglaban sa illegal drugs, isama pa rito ang hanggang sa ngayon ay walang itinatatag na barangay anti-drug abuse councils (BADACs) na itinuturing na isang mabisang paraan sa paglaban sa ilegal na droga.

Kung wala umanong naitatag na BADAC ang isang barangay exec, sila ang kailangang ‘tokhangin’.

Ang ‘tokhang’ ay unang ipinatupad ni dating PNP chief at ngayon at Senator Ronald dela Rosa, ay isang community relations activity kung saan binibisita o kinakatok  ng mga pulis ang hinihinalang drug suspects, hinihikayat na sumuko at magbago.

‘Yun nga lang naiba ang pananaw sa salitang ito, na iniisip kapag ‘tokhang’ ay patay.

Base sa datos, umaabot na sa 5,856 drug suspects ang nasawi nang simulan ng pamahalaan ang giyera laban sa ilegal na droga.

Nasa 176,777 ang anti-illegal drugs operations ang naisagawa simula Hulyo 1, 2016 hanggang nitong Agosto 31,2020.

Umabot naman sa 256,788 drug suspects ang naaresto.

Pero sa kabila nito, malaking bilang pa nga ng barangay ang sinasabing apektado pa rin ng ilegal na droga kaya  kailangang kalampagin na rito eh mga barangay officials.

Sila nga naman kasi ang nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan, ang nakakaalarma lang eh kung sila pa ang nagtatakip sa kanilang ka-barangay.

Kapag ganyan ang gawi ng isang nanunungkulan, asahan na hindi malilinis sa ilegal na droga ang kanyang lugar lalu na kung siya pa ang kumukunsinti. Mas lalong mabigat kung sya pa ang sangkot.

Posibleng hindi pa masyadong napapansin ito sa ngayon dahil sa pandemya, pero kapag humupa na ang pandemya, dyan mararamdaman na naman ang bigat ng problema sa ilegal na droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with