Babae sa Tennessee, 10 oras yumakap sa puno para sa world record
ISANG babae sa Chattanooga, Tennessee woman ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng pagyakap sa isang puno sa loob ng 10 oras at limang minuto.
Higit 10 oras yumakap si Adrienne Long sa walnut tree na nasa isang park sa Chattanooga upang maungusan ang dating record na 8 oras at 15 minuto.
Ang kaibigan ni Long na si Sarah Medley, ang nag-organisa ng record attempt ni Long na sinabayan ng sayawan at pagyo-yoga ng mga manonood.
Naka-livestream din sa Facebook ang higit 10 oras na pagyakap sa puno ni Long.
- Latest