_pang-masa
^

Cellphone na nawala sa Malaysia, may selfie na ng matsing nang maibalik sa may-ari

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 27, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Malaysia na nawalan ng cell phone ang nagulat nang muli niyang matagpuan ito na puno ng mga bagong litrato, kabilang na ang ilang selfie na nagpapakita ng mukha nang isang matsing.

Ayon kay Zackrydz Rodzi, nawala ang kanyang cell phone habang siya ay natutulog.

Natagpuan naman niya kaagad ang kanyang cell phone nang tawagan niya ito. Narinig niya ang ring nito na nanggagaling ng hindi kalayuan mula sa kanyang bahay.

Nang siya ay lumabas ay doon niya nakita ang kanyang cell phone sa labas ng kanilang bakuran. Nang kanyang tingnan ang mga kuhang picture sa pag-asang ginamit ng salarin ang camera ng kanyang cell phone ay laking gulat niya ng pawang selfie ng isang matsing ang laman nito.

Mukhang pumasok daw ang matsing sa kanyang bahay at tinangay ang cell phone palabas. Pinaglaruan daw ng matsing ang cell phone kaya napuno ng kanyang selfie ang gallery nito.

Hindi pa raw ito nakuntento sa pagkuha ng picture dahil kumuha rin daw ng video ang matsing kung saan mapapanood ang pagtatangka nitong pagsubo sa cell phone ni Rodzi.

CELLPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with