^

Punto Mo

Panganib sa social media!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaking adjustment ang kakaharapin ng mga mag-aaral sa nalalapit na pagsisimula ng online classes dulot ng COVID pandemic.

Mahaba-habang oras ang ilalagi nila  sa harap ng computer, laptops o iba pang uri nang gagamiting gadgets para sa online learning.

Dito matindi ang panawagan sa mga magulang na mahigpit na masubaybayan ang kanilang mga anak lalo na ang mga menor-de-edad.

Dahil din kasi sa pag-usad ng teknolohiya, na dito nakakaagapay ang mga kabataan, dito na rin naman nagiging aktibo sa kanilang operasyon ang mga sindikato at kawatan.

Hindi lang mismong mga kabataan kundi kasama na rin sa dapat mag-ingat ang mga magulang.

Iba’t ibang modus ang kadalasang naisasagawa sa pamamagitan ng social media.

Minsan hindi napapansin na nahuhulog na pala sa patibong na nauuwi sa kapahamakan.

Tulad na lamang sa ibinabala  ng child advocacy group na ‘‘Save the Children Philippines’’  sa nagte-trending ngayon na ‘#DropYourBeautifulDaughter Challenge’, na ayon sa kanila ay mapanganib.

Ayon sa grupo bagama’t proud ang mga magulang na mai-post ang kanilang mga anak at bagama’t hindi naman malaswa ang pagka-post ng mga larawan, abay’y puwede nga naman itong samantalahin ng ilang sindikato o sexual predator.

Ito ay lalo na nga’t sa isinagawang pag-aaral, isa ang Pinas sa itinuturing na hot spot sa online child exploitation.

Dapat lang naman na hindi basta-basta malagay sa anumang uri ng panganib ang kanilang mga anak na maaaring maabuso o ma-exploit sa pamamagitan ng social media.

Maraming paraan ang mga sindikato gamit ang social media na dito dapat na maingatan ang ating mga anak .

At nakita na rin natin na marami na ang napahamak dahil hindi nag-ingat.

Kailangan matiyak ng mga magulang na nasusubaybayan nila ang kanilang mga anak sa nag-ooperate na mga sindikato online.

 

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with