^

Punto Mo

Taga-Valenzuela, bagong milyonaryo sa lotto!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY bagong milyonaryo na taga-Valenzuela City matapos nitong mahulaan ang numerong lumabas sa Grand Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Miyerkules na may jackpot prize na P128.3 milyon.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na nakuha ng lucky bettor ang numerong 02-12-22-27-03 at 29. Sa ilalim ng TRAIN law, ang napanalunang milyon ay babawasan ng 20 porsiyento na tax at ang lucky bettor ay maaring magsadya lang sa PCSO main office sa Shaw Blvd., sa Mandaluyong City para makuha ang pitsa niya.

Sinabi ni Garma na magdala lang ng dalawang government-issued ID ang lucky bettor at presto...mapapasakanya na ang milyones niya matapos ma-validate ang winning ticket. Ayon pa kay Garma, ang ahente ng winning ticket ay ipagkalooban ng 1 porsiyento ng napanalunan o P1 milyon bilang agent’s prize commission. Wow!

Hindi lang ‘yan! May 43 lotto players pa na mabahagingan ng P100,000 kada isa matapos mahulaan ang limang winning numbers, 1,653 ang tatanggap ng P1,500 dahil nakuha naman ang apat na numero, samantalang 23,419 naman ang kukuha ng P60 para sa humula ng tatlong numero. Bongga!

Sa panahon ng COVID pandemic, malaking halaga ang maidudulot sa mga nanalong Pinoy itong salaping pinamudmod ng PCSO, di ba mga kosa?

Kung sabagay, bilyones na ang nawala sa kaban ng PCSO matapos magdeklara ng lockdown si President Digong laban sa coronavirus noong Marso. Kahit sarado ang mga gaming products nila at walang pumapasok na pondo, di naman nag-aksaya ng panahon si Garma para tumulong pinansiyal o kagamitan sa mga mahihirap na Pinoy at LGUs, lalo na sa malalayong probinsiya.

Noong Biyernes lang, nagpamudmod si Garma ng 53 patient transport vehicles na nagkakahalagang P1.58 milyon sa 50 LGUs, at tatlong hospital para gamitin ito sa pag-transport ng mga pasyente, lalong na ang mga tinamaan ng virus. Libre ito lahat di tulad ng dating gawi na sagot ng LGU ang 40 porsiyento sa budget. Hehehe! Magaan talaga ang kamay ni Garma sa kawanggawa, ‘no mga kosa?

Natutuwa naman si Garma at mainit na sinusuportahan ng publiko ang kanilang gaming products na lotto, Digit games, Keno at Scratch tickets na halos isang buwan pa lang na nagbukas ang mga ito. Binuksan din ang Small Town Lottery sa Ilocos Sur at Nueva Viscaya nitong nakaraang linggo.

Nagbukas din ang STL sa Abra, Ilocos Norte, Surigao del Sur, Davao del Sur maliban sa Davao City at Olongapo City sa Zambales nitong Sept. 23. May balita pa na ang ibang STL outlets ay magbubukas na sa Oktubre 1.

Iginiit ni Garma na ang lahat ng tulong nila sa mahihirap na Pinoy at LGUs sa bansa ay galing sa kita ng gaming products ng PCSO. Kaya hinikayat niya ang publiko na na tumaya na sa lotto, STL at iba pang palaro nila dahil may tsansa na silang maging milyonaryo at makatulong pa sa kapwa-Pinoy.

Hala mga kosa ko, taya na ng P20 sa gaming products ng PCSO at baka kayo na ang sunod na maging milyonaryo. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with