Bagong reklamo laban sa magkapatid na Talag!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

HINDI kailanman naging layunin ng mga programa ng BITAG na manira ng katauhan o mamersonal. Bilang isang public service program,  kami ang nilalapitan para pagsumbungan.

Pamilyar na para sa aming mga tagasubaybay ang magkakapatid na Talag. Sila ‘yung inirereklamo noon ng isang caregiver ng kanilang namayapang ina.

Ang reklamo, ‘di pagbisita sa kanilang ina sa ospital, pagpapabaya sa mga kailangan ng matanda at ‘di pagpapasahod sa caregiver kaya nagsumbong na sa amin.

Nakausap din ng BITAG ang ilang nurse ng ospital na hindi na raw mahagilap ang magkakapatid na Butch, Willie at Ana Rubie Talag dahil lumolobo na ang bill sa ospital.

Ang ending, sasampahan daw ng magkakapatid ng kaso ang St. Lukes at BITAG. Wala akong problema doon, sabi ko nga, bring it on!

Pero nitong Martes, isang taga-Ormoc, Leyte ang humingi ng tulong sa BITAG. Inirereklamo partikular si Willie Talag at Ana Rubie Barcelo-Talag.

Umano’y si Willie ang nangungupahan sa condo unit ng nagrereklamong si Marichu sa Mandaluyong para sa tiyahin nitong matandang dalaga umano.

Isang taon at 10 buwang renta na raw ang kanyang sinisingil kay Willie subalit panay ang pagtatago nito. Ang alibi kuno, lagi raw out of town at sa susunod na linggo ang bayad.

Nang mag-abisong ipa-padlock na ang nirerentahang condo unit, nagalit pa raw si Willie at nagbantang idedemanda ang may-ari at ang kaserang kapatid nito.

Si Ana Rubie naman na isang dentista, makailang beses na rin daw tinawagan ng may-ari ng condo na nagrereklamo. Si doktora raw kasi ang may sagot sa utilities (kuryente’t tubig) sa condo.

Ang siste’y matagal nang naputulan ng kuryente’t tubig ang unit kaya kung kani-kanino na lang daw nakiki-tap ang kanilang tiyahin.

Kapag si Doc Ana naman daw ang kanyang tinatawagan, ang anak daw nito ang sumasagot at sinasabing may kasalukuyang pasyente.

Uploaded sa BITAG Official YouTube Channel ang panawagan ng condo unit owner. Panawagan para kay Willie Tayag at Dr. Ana Rubie Tayag-Barcelo na magpakita at bayaran na ang obligasyon nila sa tiyahin at sa nagrereklamo.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with