^

Punto Mo

Marami ang bumatikos, marami rin ang humanga!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila ng samu’t saring mga batikos sa sinasabing paglalagay ng artificial white sand sa bahagi ng Manila Bay, hindi naman maitatanggi na marami ang humanga  sa naging resulta nito.

Inaasahang makapang-aakit pa ito para lalong mapasigla ang turismo sa bansa.

Hindi lang mga dayuhang turismo ang maeengganyo, kundi maging mga local tourists.

Abay, kita naman sa naging kaganapan noong nakalipas na Linggo makaraang dalawang araw itong binuksan sa publiko, ano nangyari ayun dinagsa na agad ng mga tao.

Nagkaroon pa nga ng kontrobersiya dahil sa talagang hindi nasunod ng mga nagtungo roon ang ipinatutupad na health protocol partikular ang social distancing dahil sa dami nang nagtungo.

Naging dahilan pa nga nang pagkasibak sa station commander sa Ermita na nakakasakop sa lugar.

Hindi naman kasi inaasahan na talagang marami ang nagkainteres na makita ang sinasabing mala-Boracay na Manila Bay matapos tambakan ng ‘‘white sand’’.

Marami sa nagtungo roon eh talagang bumilib at talagang lalong nagpatingkad  sa Manila Bay.

Kapansin-pansin din ang pagdating ng mga ‘‘migratory birds’’ na white sand ng Manila Bay, na mistulang maging mga ibon eh nasiyahan sa naging pagbabago ng bay.

Kung noong una, inulan ito ng mga batikos, ngayong nakita ang kagandahan, umaani naman ito ng papuri. Kahit sa maliit na bagay sa mga nakasaksi nagpagaan  din kahit bahagya sa bigat nang mga pinagdaanan na  resulta ng pandemic.

Balak pang palawakin ang naturang white sand sa Manila Bay na  sana sa mga susunod na araw sakaling tuluyan na itong buksan, mapanatili din naman ang kalinisan, wag tapon nang tapon ng basura sa kung saan saan.

Sana sa ganitong paraan, magsimula ang disiplina lalu na sa kalinisan na makakatulong din para makaiwas sa mga lumalaganap na karamdaman.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with