Distancing sa PUVs, may ilang nagpapalusot!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Nagdesisyon na si Pangulong Digong, malinaw na mananatili ang isang metrong distansya sa mga pampublikong tranportasyon.

Wala nang magaganap na pagtatalo rito na sa mga nakalipas na araw hindi malaman kung ano ba talaga kuya?

Nagkaroon ng mga pabagu-bagong kautusan sa physical distancing sa mga PUVs.

Una, pinaliit ng DOTr ang distansya na ginawang 0.75 meter. Umani nang sangkaterbang batikos binawi at ibinalik ng DOTr sa isang metro hanggang sa ang Pangulong Digong na ang nagdesisyon ukol dito.

Naku talagang marami ang masasabing naperwisyo sa pabagu-bagong kautusan sa distansya.

‘Yun namang ibang drivers ng PUVs akala yata makakalusot, kahit binawi na ang kautusan sa 0.75 distance aba’y sige pa rin sila, akala yata hindi mahuhuli.

Eh may panukat na dala ang PNP-HPG at talagang tinutukan partikular ang mga bus na dumaraan sa EDSA.

Doon natuklasan na pinapayagan ng mga pasaway na drivers kahit walang isang metro ang distansya ng kanilang mga pasahero, siyempre para marami ang kita.

Nang sukatin ng mga awtoridad ang distansya nasa kalahati ang kailangang umalis ng bus.

Eh ang tanong sino ang bababa, sino ang magbibigay.

Doon na nagsimula na mismong mga pasaherong sakay na ang mag-away-away.

Wala na sanang magpapalusot sa ganitong mga patakaran na ang layunin naman eh para sa kaligtasan ng mga mananakay.

 

PUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with