Celebrity cosmetic surgeon Mendez, sinayang ang career!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

MAGBABAYAD din ng utang si celebrity cosmetic surgeon Dr. Joel Mendez sa mga kahayupan na ginawa niya sa kanyang kapwa Pinoy. Nagtagumpay na sa kanyang negosyo si Mendez, at kinilala na siya bilang No. 2 sa field nila ni Vicky Belo subalit hindi niya inalagaan at imbes ay kung anu-anong kahayupan ang pinaggagawa sa kanyang kapwa. Kaya habang tumatagal, parami nang parami ang mga kasong isinampa laban kay Mendez na naaresto naman ng pulisya subalit nakakalabas matapos maglagak ng piyansa.

Subalit mukhang wala nang kawala si Mendez matapos maaresto ng mga tauhan ni PRO10 director Brig. Gen. Rolando Anduyan, matapos mahatulan noong Pebrero 4 sa kasong attempted rape at 2 counts of rape through sexual assault ni Judge Joanne Hernandez-Lazo, ng Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 5FC. Habang panahon ang bubunuin ni Mendez sa kulungan dahil no bail ang inirekomenda laban sa kanya ni Judge Hernandez-Lazo. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Mukhang hindi rin mapakinabangan ni Mendez ang limpak-limpak na pitsang kinita n’ya sa kanyang negosyo, di ba mga kosa?

Dahil sa sangkaterbang kaso niya sa Metro Manila, naisipan ni Mendez, 60, na magpalamig sa pag-aari niyang Skinology Spa and Wellness Center na matatagpuan sa Robinson’s Mall sa Bgy. Lapasan, Cagayan de Oro City.

Noong Sept. 13, lumutang si Lt. Col. Angelo Nicolas, ang hepe ng Regional Special Operations Unit (RSOU) PRO10 sa kanyang shop at nagpa-derma dahil namumula ang pisngi niya. Hindi alam ni Mendez na ploy lang ‘yon ni Nicolas para matantiya na siya na nga ang target nila dahil ang pulang pisngi niya ay dahil sa init na dala ng scuba diving ng tropa, ani Anduyan.

Sinabi ni Anduyan na matapos ang clinical procedure, siningil ni Mendez ng P40,000 si Nicolas at tsaka lang sinabi ng huli na may bitbit siyang arrest warrant laban sa cosmetic surgeon. Ayon kay Anduyan, hindi naman nag-alok ng bribe money si Mendez kay Nicolas maliban sa ibababa lang nito ang singil kapag pinaalpas siya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi pumasok ang drive ni Mendez kay Nicolas.

Ayon kay Anduyan, lumago ang negosyo ni Mendez noong nakatira pa siya sa No. 3 Pugo St., Vililla Village sa Bgy. Talipapa, Novaliches, Quezon City. Gumuho ang buhay n’ya nang magsimulang sampahan siya ng samu’t-saring kaso dahil sa pagmolestiya niya sa kanyang mga model ng Mendez Medical Group at kliyente.

Naaresto na si Mendez sa Mandaluyong City sa kasong 2 counts of rape noong Hulyo 12, 2018 subalit nakalaya matapos magpiyansa. Nakasuhan din siya sa pagmolestiya ng 17-years old model ng kanyang kompanya sa loob ng kanyang clinic noong 2015. Si Mendez ay kasalukuyang nakakulong sa Maharlika detention cell at balak ni Anduyan na i-turnover s’ya sa sala ni Judge Hernandez-Lazo sa linggong ito. Araguuyyy! Hak hak hak!

Sinayang ni Mendez ang buhay niya no mga kosa? From a famous cosmetic surgeon naging famous detainee na lang s’ya. Ano ba ‘yan! Abangan!

 

JOEL MENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with