May Bible story sa baraha
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

RELIGION class para sa mga estudyante ng isang Catholic high school. Bible reading ang kanilang lesson kaya’t required ang bawat estudyante na magdala ng Bible nang araw na iyon. Pero may isang estudyanteng baraha ang nakalatag sa kanyang desk sa halip na Bible. Nilapitan ng titser ang estudyante at kinausap.

“Bakit sa halip na Bible ay baraha ang hawak mo? Nambabastos ka ba?”

“Hindi po ako nambabastos Mam, wala kasi kaming Bible sa bahay kaya itong baraha na lang ang dinala ko.”

“Aber, anong koneksiyon ng baraha sa ating Bible lesson ngayon?”

Ito ang makabagbag damdaming explanation ng estudyante:

Kapag nakikita ko ang ace, naaalala ko na iisa lang ang Diyos.

Ang 2 ay nagpapaalala sa akin na ang Bible ay nahahati sa dalawa: Old at New Testament.

Kung 3 naman ay naiisip ko ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirtu Santo.

Ang 4 ay nagsasabing may apat na evangelists na mangangaral ng Gospel: Mark, Matthew, Luke at John.

Kung 5, naaalala ko ang 5 Misteryo ng Santo Rosaryo.

Ang 6 ay bilang ng araw nang likhain ng Diyos ang Heaven and Earth

at ang 7 ay ikapitong araw nang magpahinga ang Diyos mula sa Kanyang ginagawa.

Ang 8 ay ang bilang ng mabubuting taong iniligtas ng Diyos bago Niya gunawin ang mundo — Noah, kanyang misis, 3 anak at kanilang mga asawa.      

Siyam (9) sa sampung ketongin na pinagaling ni Hesus ang  hindi man lang nagpasalamat.

At 10, ang Sampung Utos ng Diyos.

Ang King ay nagpapaalala sa akin na si God Almighty lamang ang King of Heaven.

Ang Queen ay si Mama Mary na Queen of Heaven and Earth at jack ay devil.

“Kaya Mam, itong mga barahang ito ay nagpapaalala sa akin ng mga kuwento mula sa Bible.

Umuwing tuwang-tuwa ang estudyante dahil 100 ang grade na ibinigay sa kanya ng titser.

              

BIBLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with