Ang babae sa aparador (178)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

‘‘IPINAGDARASAL ko si Josh, Ziarah na malampasan niya ang pi-nagdaraanan para makapagpatuloy siya sa pag-aaral at magkaroon nang magandang bukas,’’ sabi ni Jing.

‘‘Walang imposible sa pa­nalangin. Isasama ko rin si Josh sa panalangin ko, Jing.’’

‘‘Alam mo Ziarah, tuwing unang Biyernes ng buwan, nagsisimba ako sa Quiapo --- para sa recovery ni Josh.’’

Humanga si Ziarah kay Jing. Talagang matindi ang pagmamahal nito kay Josh. Bihira ang ganitong babae na magsasakripisyong magsimba alang-alang sa lalaking pinakamamahal.

“Sino nga pala ang kasama mo patungong Tagaytay, Jing?’’

“Ang lola ni Josh. Napakabait pala at masayang kasama si Lola.’’

‘‘Paano kayo nagkakilala ni Lola?’’

‘‘Dahil sa isa nating classmate na malapit ang bahay kina Josh. Nabanggit kasi sa akin na tuwing Sunday ay nagtutungo sa Tagaytay Rehab si Lola. Kaya nagtungo ako kina Lola at nagpakilala ako na classmate ni Josh. Nakiusap ako na baka puwedeng makasama sa pagdalaw. Pumayag agad si Lola. Mabuti nga raw at may kasama siya. At alam mo Ziarah, habang patungo kami sa Tagaytay, maraming naikuwento sa akin si Lola.’’

“Tungkol saan, Jing?’’

Pero hindi na naikuwento ni Jing sapagkat nag-bell na. Umpisa na ng kanilang klase.

‘‘Mamaya ko na lang ikukuwento sa’yo Ziarah pagkatapos ng klase natin.’’

‘‘Sige Jing.’’

Nagmamadali silang pumasok sa room.

Maya-maya pa dumating na ang kanilang propesor.

Nagkaroon sila ng surprise exam. Mabuti at nakahanda si Ziarah. Nasagot niya lahat.

Nang matapos ang kanilang klase, magkasabay din silang lumabas ni Jing. Itinu­loy ang nabitin na kuwento ni Joshua.

Pero hindi rin nito natapos ang kinukuwento dahil may sundo na si Ziarah.

Nasa may gate na ang kotse ni Jonas at naghihintay.

“Sayang ‘di ko natapos ang kuwento, nandiyan na kasi ang sundo mo Ziarah.’’

“Oo nga. Bukas na lang Jing.’’

“Sige babay, Ziarah.’’

(Itutuloy)

 

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with