Piraso ng buhok ni George washington, natagpuang nakasingit sa lumang almanac
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

NATAGPUAN sa library ng isang kolehiyo sa New York ang isang lumang libro kung saan nakasingit ang isang piraso ng buhok ng kauna-unahang Presidente ng United States na si George Washington.

Nadiskubre ng librarian na si John Myers sa silid-ak­latan ng Union College sa Albany, New York ang isang piraso ng buhok ni Washington sa loob ng isang sobre na nakasingit naman sa isang lumang almanac na nilimbag noon pang 1793.

Nakasulat sa sobre ang mga katagang  “Washington’s hair” kaya noong una ay hindi pa makapaniwala si Myers sa kanyang natagpuan.

Nakumpirma na lang niya na buhok nga ng unang US President ang nasa loob ng sobre matapos siyang sumangguni sa mga eksperto na marunong pagdating sa buhok ni Washington.

Inisa-isa ng mga eksperto ang pinanggalingan ng buhok at malaki ang tsansang kay Washington nga ang mga hibla ng buhok.

Uso nang mga panahong iyon ang pagbibigay ng mga hibla ng buhok ng namayapa bilang alaala at ang isa sa mga nabigyan ng piraso ng buhok ni Washington ay si Alexander Hamilton na kasapi ng kanyang Gabinete.

Maaring napunta ito sa kanyang anak na si James Hamilton na apo rin ng nagtatag ng Union College na si Philip Schuyler.

Hindi naman maisailalim sa DNA test ang buhok dahil baka mapinsala ito sa dadaanang proseso.

NEW YORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with