^

Punto Mo

EDITORYAL - Tama na ang 1-metrong pagitan

Pang-masa
EDITORYAL - Tama na ang 1-metrong pagitan

HINDI dapat nagmamadali ang Department of Transportation (DOTr) sa pagbabago ng polisiya na may kaugnayan sa physical distancing ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan. Inihayag noong nakaraang linggo ng DOTr na babawasan ang 1-metrong pagitan ng mga pasahero sa bus, dyipni, Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit. Sa halip na 1-metro, magiging 0.75 metro na  ang agwat. Ito ayon sa DOTr ay upang maraming maisakay na pasahero ang PUVs. Kawawa naman daw ang mga pumapasok na empleado na hindi makasakay sapagkat okupado na lahat ang upuan sa bus dahil nga sa physical distancing. Kung mababawasan sa isang metro, makakapagsakay umano ng walo hanggang siyam na pasahero. Sa plano ng DOTr, buwan-buwan ay babawasan ang distansiya ng mga pasahero.

Ipinatupad noong Lunes ang bagong polisiya. Inulan naman ito ng batikos sapagkat maaaring dumami ang mahawahan ng virus kapag binawasan ang agwat ng mga pasahero. Magkakadikit-dikit umano ang mga pasahero. Mawawala na ang tamang distansiya at nakapagdudulot ng pangamba sa pagdami ng kaso.

Kahapon, binawi na ng DOTr ang kontrobersiyal na plano. Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, suspendido na ang reduce physical distancing sa mga pasahero at hihintayin na lamang umano nila ang pasya ni President Rodrigo Duterte sa bagay na ito. Inaasahang ihahayag ng Presidente ang desisyon sa Lunes.

Inihayag din ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsuspende ng DOTr sa plano nang makipagmeeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). “Ang 0.75 meter rule ay suspendido po muna. Balik muli sa one-meter rule hanggang magdesisyon ang Presidente sa bagay na ito,” sabi ni Roque.

Tama lang naman na huwag nang bawasan ang 1-metrong distansiya ng pasahero lalo sa panahong ito na marami pa ang kaso ng COVID-19. Huwag magmadali ang DOTr sa bagay na ito sapagkat ang nakasalalay dito ay ang kaligtasan nang marami. Mas malapit sa isa’t isa, mas malaki ang tsansa na magkahawahan.

Mas mainam pa kung dagdagan na lamang ang mga bumibiyaheng bus at dyipni para mayroong masakyan ang mga pasahero. Ipagpatuloy ang nakaugaliang physical distancing sa PUVs sapagkat ito ang nararapat.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with