^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (176)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, hindi pumasok sa opisina si Jonas. Nagulat si Ziarah kung bakit hindi ito papasok.

“Ihahatid kita sa school mo at susunduin sa paglabas. Hindi ka na magko-commute.’’

Hindi makapaniwala si Ziarah. Panibagong sorpresa na naman ang inihanda sa kanya ni Jonas.

‘‘Malapit lang naman ang school, Sweet. Kahit hindi   mo na ako ihatid.’’

“Basta ihahatid kita. Hindi na kita hahayaang mag-isa sa pagpasok.’’

‘‘Ihahatid mo ako ng kotse, Sweet?’’

“Yup!’’

“E wala naman ang kotse mo. Anong gagamitin mo?’’

“Kukunin ko diyan sa kanto. Nasa gasolinahan. Dun ko iniwan. Siyempre para hindi mo mahalata na narito ako sa bahay.’’

Biglang nagtawa si Ziarah.

“Matalino ka talaga! Ang dami mong sorpresa sa akin.’’

“Basta mahal ko, marami akong gagawin.’’

At muling niyakap ni  Jonas si Ziarah.

Masayang-masaya si Ziarah.

Nang mag-ala-una ng hapon, inihatid na nga ni Jonas si Ziarah sa school. Unang pagkakataon na nakasakay siya sa kotse sa pagpasok sa school.

Sa tapat mismo ng gate siya ibinaba ni Jonas.

‘‘Bye Love. Mag-ingat ka. Mamayang 5:00 p.m. sunduin kita.’’

“Thanks Sweet. Ingat ka rin. Hintayin kita rito.’’

Hinalikan ni Jonas si Ziarah.

Bumaba na si Ziarah.

Bago pumasok sa gate ay kumaway pa si Ziarah kay Jonas.

Lingid kay Ziarah, nakita pala siya ng classmate na babae. Nakita nito na inihatid ng isang naka-kotse.

“Hoy Ziarah ang guwapo ng siyota mo at may kotse pa. Ikaw ha, tatahi-tahimik ka pero may itinatago pala.’’

Nagtawa si Ziarah.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with