DOTr kumambiyo sa distancing!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Matapos umani ng sangkaterbang puna at batikos , muling ibinalik kahapon  ng DOTr  sa isang metrong social distancing sa mga pampublikong transportasyon ,  habang hinihintay ang desisyopn dito ni Pangulong Digong.

Kahapon nga pansamantalang sinuspinde ng DOTr ang   0.75  (meter)  distancing sa mga pampublikong sasakyan na nagsimula lamang ipatupad noong nakalipas na Lunes (Sept. 14).

Magugunitang ang naturang pagbabago sa distansya ng mga pasahero ay isinagawa para umano madagdagan ang mga maisasakay na commuters  partikular ang mga manggagawa na  nahihirapang mag-commute dahil sa kakulangan pa rin sa pinapayagangg bumiyaheng sasakyan.

Layunin naman nito na unti-unti nang mabuksan ang ekonomiya sa bansa.

Marami ang bumatikos at pumalag na mga govt. officials at  mga health expert sa nasabing bagong patakaran na paglabag ito sa  mga health measures at protocols.

Ang mga Metro mayors ay nagpahayag din dito ng agam-agam.

Hindi nga naman marahil dapat na isapalaran ang kalusugan ng mga mananakay.

Maganda ang layunin pero mukhang hindi tinalakay nang husto.

Pwede nga namang pagsabayin ang unti-unting pagbubukas sa mga negosyo at ekonomiya at ang mahigpit pa ring pagpapairal sa mga health measures.

Bakit ang physical distancing ang kailangang galawin, bakit nga naman hindi magdagdag ng mga bibiyaheng sasakyan para matugunan ang pangangailangan ng commuters.

Kailangan talaga itong mapag-aralan nang husto, dahil malamang kung walang pumuna rito,  sa  sususnod na dalawang linggo ang 0.75 (meter) distansya  na ipinatupad ay magiging 0.50 metro na lamang at 0.3 metro sa susunod pa uling dalawang linggo.

Ibig sabihin talagang magdidikit-dikit na ang mga pasahero na may malaking panganib sa virus.

Hindi nga ba’t mga health expert na ang nagsabi na sa naturang patakaran asahan ang biglang pag-alagwa ng mga may COVID.

May ibang opisyal na pamahalaan din ang nagsabing hindi sila nakonsulta ukol  dito.

Ang nakakatakot dito, baka sa bagong patakaran na yang kung hindi naharang ay pagsimulan ng mas matinding problema lalu na sa paglaban sa COVID-19.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with