General Danao, bagong NCRPO chief?
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

NAWINDANG ang mga pulis sa Camp Crame sa tinuran ni PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na “deserving” na ma-promote si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Kinilala naman ni Cascolan na maraming nagawa si Sinas sa NCRPO kaya nararapat lang na premyuhan. Subalit alam ng mga kosa ko na dahil magreretiro na si Sinas sa Mayo 2021, hindi na siya puwedeng ma-promote na lieutenant general.

Kasi nga puno na ang command group ng PNP sa katauhan nina Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang Deputy Chief for Administration; Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na Deputy Chief for Operations, at Maj. Gen. Joselito Vera Cruz na Chief of Directorial Staff. Kapag si Sinas naman ay inilipat lang sa Directorate, eh hindi promotion ito dahil ka-level lang sila ng ranggo niya bilang major general.

Iginiit ng mga kosa ko na sa ilalim ng PNP law, puwedeng ma-promote si Sinas kung ang pupuntahan niya ay PNP chief. Kaya pumasok sa isipan ng mga pulis sa Camp Crame na si Sinas na ang papalit kay Cascolan sa pagretiro nito sa darating na Nobyembre 10? Araguuyyyy! Hak hak hak! Bola-bola kamatis lang kaya itong ipinangakong promotion ni Cascolan kay Sinas? Puwede, di ba mga kosa?

Subalit kumambyo bigla si Cascolan at sinabing kailangan nang i-evaluate si Sinas para mailagay s’ya sa position na angkop sa kakayahan n’ya, lalo na sa aspeto ng training ng police personnel at recruits. Hindi sinabi ni Cascolan kung saan papunta si Sinas subalit nagbigay siya ng clue na training kaya maaring sa Human Resource and Doctrine Development (HRDD) na in-charge sa training ng mga pulis at recruits ang bagsak niya.

Ang hepe ng HRDD sa Camp Crame sa ngayon ay si Maj. Gen. Amador Corpus, na mistah din ni Cascolan, at magreretiro na sa darating na Oktubre 3. Kaya ilang tulog pa at malalaman natin kung pasok itong 3-point shot ni Cascolan vs Sinas, na bata naman ni retired PNP chief Gen. Archie Gamboa. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Hinarang ni Cascolan ang «midnight» appointment ni Gamboa at pinagsisibak ang mga bata n’ya at ang isa pang mistah n’ya na si retired Oscar Albayade at ‘yan ang masabi nating accomplishments n’ya sa ngayon. Tumpak!
Kaya lang, nagkaroon ng kulay sa nais ni Cascolan na mapromote si Sinas matapos ideklara ng una na gusto niyang ipalit bilang NCRPO chief ay si Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao. Ayon kay Cascolan, maganda ang ipinapakita ni Danao sa Calabarzon at pinagpilian kung saan ito ilalagay sa NCRPO o sa CIDG. Subalit angkop si Danao sa NCRPO, aniya.

Open-secret naman na si Danao ay sagradong bata ni President Digong at ginu-groom na maging PNP chief kaya kailangang magmadali itong maging two-star general. Subalit iginiit ng mga kosa ko na itong puwesto na NCRPO at CIDG ay hindi naman si Cascolan ang magdesisyon kundi ang Palasyo. Araguuyyyy!

Bring it on Gen. Cascolan Sir! Siguraduhin mo lang na pasok na ang 3-point shot mo para hindi panay sablay ang tira n’ya sa «last two minutes» ng panunungkulan n’ya. Abangan!

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with