^

Punto Mo

‘Yang pamamalo sa anak

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Epekto ng pamamalo (corporal punishment) sa batang babae—para mo nang ikinokondisyon ang kanilang isipan na okey lang silang saktan ng kanilang magiging asawa paglaki nila. Habang lumalaki ay napag-aaralan nilang tanggapin na ang pananakit sa kanila ay bahagi lang ng normal na buhay.  Ito ang natuklasan sa pag-aaral ng isang California-based non-profit group na kinabibilangan ng mga magulang at guro na tutol sa pamamalo bilang paraan ng pagdisiplina sa mga bata.

2. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Family Research Laboratory, University of New Hampshire-Durham, ang batang dinidisiplina sa pamamagitan ng pisikal na pananakit ay nagkakaroon ng sexual problem paglaki nila.

3. Ayon naman sa psychologist na si Robert Fathman, ang batang lumaki sa palo ay nagkakaroon ng long lasting anxiety (laging balisa), social withdrawal (laging nag-iisa), night terrors (madalas na nagigising sa gabi dahil sa ‘di maintindihang pagkatakot) at severe depression (sobrang kalungkutan).

4. Ipinagbawal na ang pamamalo sa mga school sa Taiwan, at Catholic schools sa US. Pero nakakalungkot isipin na  hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ang ganitong kalupitan sa public at private school sa US. Pina-paddle nila ang mga bata.

5. Tinututulan  ng American Academy of Pediarics at iba professional associations ang corporal punishment.

6. Nilalakad na ng iba’t ibang samahan sa US na itaas sa lethal injection ang maging parusa sa mga  gumawa ng corporal punishment sa isang bata. Ayon sa nakalap ng Department of Health and Human Services at ng New England Journal of Medicine, mula 1,000 hanggang 2,000 bata ang namamatay taon-taon sa US dahil sa corporal punishment  samantalang 142,000 ang nabuhay pero seryosong napinsala, pisikal at emosyunal. Sana gawin na rin sa Pilipinas ang ganitong parusa sa mga taong malulupit sa bata.

“I accepted what the Sisters taught in religion class: that God is loving, merciful, charitable, forgiving. That message didn’t jibe with adults smacking kids.” — Sonia Sotomayor

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with